RSS
email

14 April 2010

Jason will love me until the last rose dies...


Friends, mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon. Iyak ako nang iyak kagabi pa. Kasi hindi ko na naiintindihan ang sarili ko... Hindi ko na talaga naiintindihan ang nararamdaman ko... Totoo pala yung kantang "Sana Dalawa Ang Puso Ko". Sana pwedeng pareho ko silang piliin, para walang masasaktan... Para pareho silang masaya...

Kahapon, sinabi ko sa inyo kung gaano ko kagusto si Paco... Pero hindi kaya nabubulag lang ako dahil siya si Paco Figueroa? Dahil matagal ko na siyang pinapangarap? Hindi kaya masyado lang akong nadadala ng nararamdaman ko na finally, eto na't gusto na rin niya ako? Natatakot ako friends kasi hindi nawawala ang duda ko kay Paco... What if iwanan niya ako? What if balikan niya si Marga? What if in the end, ibang babae na ang gusto niya? E ang gwapo niya, sikat pa siya... So kahit sinong babeng magustuhan niya, madali niyang makukuha... Ganito na ba kababa ang tingin ko sa sarili ko na hindi ako deserving sa kanya? He's Mr. Perfect after all, but is he Mr. Right?

Hindi ko kasi alam kung bakit hindi nawawala sa isip ko at sa puso ko si Jason. Wala lahat nang ito kung wala si Jason. Hindi ako magiging si Jenny Raymundo kung hindi niya ako ininspire na magbago. Siya ang tumulong sakin at umangat sa akin nung hindi pa ako ang Jenny Raymundo na kilala niyo ngayon. Hindi nakita ni Paco ang insecure, ang panget, ang walang tiwala sa sarili na Jenny. Pero si Jason, nakita niya lahat nang ito, at tinanggap niya... Kung nakita kaya ni Paco ang dating ako, tatanggapin pa rin kaya niya ako?

Perfect nga si Paco pero hindi kaya si Jason ang right for me? Pag pinagdududahan ko ang sarili ko, sa kanya ako humuhugot ng lakas. Sobra rin akong natatouch at natutuwa na close na close sila ni Buchoy. Hindi man siya sikat, hindi man siya bida, pero parati lang siyang nandyan na naghihintay... Napatunayan niya what true love really means, and maybe it means having to wait for the one you love, and fight for her no matter what it takes. At wala siyang takot na lumaban kay Paco, mapatunayan lang sakin na mahal din niya ako.

Nainis nga ako nung una nang narinig ko ang "I will love you until the last rose dies." Akala ko eeffort ako buong buhay ko ng kadidilig ng bulaklak na bigay niya, wag lang malanta. Pero nagulat ako nang nakita ko na glass rose pala yun... Hindi namamatay... Forever na nandyan... Parang ang pag-ibig na handa niyang ibigay... Naluluha ako iniisip ko pa lang ang isang future with Jason na alam kong aalagaan ako at paulit-ulit na magpapaalala sakin na dapat mahalin ko ang sarili ko dahil kung hindi ko mamahalin ang sarili ko, pano pa ako mamahalin ng iba?

Hawak-hawak ko pa rin ngayon ang glass rose na bigay ni Jason... Parang mas simple at mas masaya ang lahat kung siya na lang ang pipiliin ko... Pero tama ba ang magiging desisyon ko? Litong-lito na ako. Ayan tuloy, tumutulo na naman ang luha ko... Ano bang gagawin ko? Gusto niyo ba si Jason para sakin? Ano ba ang lamang ni Paco sa kanya? Ano rin naman ang lamang niya kay Paco?

Pero in the end, sana isipin niyo po friends, sino ba sa kanilang dalawa ang tama para sakin? Kung kayo si Jenny at kayo ang babaeng mamimili sa dalawang lalakeng ito, sino ang pipiliin ninyo?

Pasensya na kayo sa kabaliwan ko lately ha, pero sana naiintindihan niyo.

Maraming salamat friends,
Jenny

13 April 2010

Si Paco ba ang pipiliin ko?


Guys, dizizit. This is really is it! Lokang-loka na ako. Hindi ko ever inimagine sa buong buhay ko na ang isang taong katulad ni Paco Figueroa ay magkakagusta sa isang hamak na Jenny Raymundo. Dati-rati, sa TV ko lang sya nakikita. Kunwari nag-duduet kami. Halos mahimatay ako tuwing lumalabas sya sa TV. Alam nyo ba, bumibili pa ako ng mga magazines nun pag sya ang laman tapos ginugupit ko tapos kinikiss ko bago matulog. Yikes, nahihiya ako na kinukwento ko sa inyo pero kasi diba friends ko na rin naman kayo kaya sineshare ko na rin.

Ang taas-taas ng tingin ko nun kay Paco! Para syang isang star, tapos ako parang floor wax. Ang labo no? Hahaha. Ang lakas kasi ng amoy ng floor wax dito sa canteen namin hehe. Kaya nung nag-audition ako, at nagustuhan nya ang boses ko, ang laking bagay nun sakin. Biruin mo, ang lalakeng pinapanga-pangarap mo lang, iniimagine mo lang at winiwish na sana maging boyfriend mo someday, ngayon e nanliligaw na sayo? WAAAAAAH LORD! IS THIS TRUE? Totoo po ba talaga to? Gisingin nyo na po ako please kung panaginip lang lahat ng to.

Pero ang masasabi ko lang, ang sarap-sarap ng feeling. Ang laki talaga ng nag-iba sa buhay ko ngayon. Ang dami nang nagbago. Ang haba-haba na ng hair ko. Malaking factor si Paco sa pagbabago na nararamdaman ko ngayon. Masasabi ko na talagang hair is my moment!

So dahil moment ko na nga to, si Paco nga ba ang pipiliin ko? Bagay ba talaga kami? Nung sinabi niya na "There are a lot of women in the world, but you're the only one I see", gusto ko nang tumambling nun sa totoo lang. Pero ramdam ko kasi na totoo yung sinabi niya... At kung ako rin naman ang tatanungin, gusto ko rin talaga si Paco. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang napakagwapo na, napakagaling pa at napakabait pang tao? Parang perfect na sya! I don't even know if deserving ba ako sa kanya.

Kayo na lang ang magdesisyon para sakin please. Litong-lito na ako. Feeling ko macocomatose na ko bukas sa pagkahilo ko at pagkalito. Gusto nyo bang makatuluyan ko si Paco? Bakit? Ano ang lamang ni Paco kay Jason? Bakit sya dapat ang piliin ko over Jason? Patulong naman please. Sagot naman po kayo.

Nalilito,
Jenny

P.S. Nakita ko lang sa internet tong picture namin ni Paco galing kay Kendahl Idea. Maraming salamat ha. Sana po okay lang na ginamit ko. Kinilig kasi ako e. :)

10 April 2010

Kinakabahan nako sa showdown!

Friends, naiiyak naman ako sa ginawa ni Marga. Pasensya na sa pinost niya ha. Di ko namalayan kasi nakabukas pala yung blog ko nung rehearsal at nagtype na lang sya bigla sa computer ko. Sorry talaga. :(

Lalo tuloy akong nahamon sa showdown. Pero bukas na yun... Sana naman kahit papano makalaban ako. Si Marga yun e! Pero syempre, sa dami ng natutunan ko lately sa mga rehearsal ko, at syempre dahil ayoko naman mapahiya ako sa harapan ni Papa Paco, gagawin ko ang best ko para matalo ko sya sa showdown.

Pag-pray nyo ako friends ha. Ngayon ko kelangan talaga ng support ninyo.

Wish me luck!
Jenny

09 April 2010

JENNY WILL NEVER BE A STAR!

Eeeeew talaga! This Jenny Raymundo is so ambisyosa. And she's so tanga. Imagine, we're in the middle of the rehearsal and she left her blog open. HAHAHAHA. So tanga talaga! I can't believe she actually agreed to a showdown with me. What does she think of herself? Sino ba sya? Come on, she just started out as this poor little cook in this carinderia. Eeeeew. She will never become a star like me!

Besides, there's no doubt that I'm so much more beautiful than her. I'm hotter. I'm more gorgeous! I can even wear sexier outfits. Jenny can't do that mwahahahaha! And what does she think? Shecould just come here and take everything away from me? No I won't give her everything that used to be mine! Lalo na my baby Paco... Come on guys, Paco doesn't really like her. It's me who Paco really wants. I will make sure that there will be no Paco and Jenny!

Gosh I really hate this Jenny! Patay talaga sya, I will even make buhos more orange juice to her face next time! I'm gonna make her suffer in our showdown! I'll make sure she cries and regrets that she went against me! I will make her lose the showdown!

MWAHAHAHAHAHA!

06 April 2010

Aymishyuuuu!

Waaaaaaaaah! Namiss ko kayong lahat. :( Super sorry kung matagal-tagal akong di nakapag-post ha. Syempre tao lang naman ako, nagbabakasyon din. Galing kasi akong probinsya namin sa Cebu. Ang sarap-sarap sa Cebu. Kain tuloy ako nang kain ngayon ng dried mangoes. Hehe. Gusto nyo?

Sorry ha, di ako makapag-post dun kasi wala naman akong laptop. Haha. Pero grabe, ganun pala ang feeling. Andami nang may kilala sakin dun. May nagpa-picture na nga e. Di ko kinayaaaa! Never in my life ko inimagine na hahantong ako rito. Artista na ba ako? Hihihi.

Hosya, pramis magpopost ako parati this week kasi na-miss ko kayong lahat sobra. Kamusta holy week nyo? San kayo nagbakasyon? Kwentuhan nyo naman ako para di boring habang nagrerehearsal ako.

Labyu guys,
Jenny

25 March 2010

Anung gagawin ko kay Marga?

Naramdaman nyo bang lahat yung earthquake kanina? Ka-meeting ko yung mga producers kanina ng concert kasama si Jason nang bigla na lang nahilo-hilo ako. Akala ko gutom lang ako kasi medyo diet ako ngayon. Yun pala, lindol na pala! Sana lahat kayo safe ha. Pag-pray natin na wag na ulit lumindol.

Speaking of lindol, alam nyo, natense talaga ako nung sumugod sakin tong si Marga. Hindi ko naman sya inaaway. Sa totoo nga lang, gustong-gusto ko pa nga sya before at idol ko rin talaga sya. Yun pala, parang monster sya in person. Akala ko nga aatakehin ako at kakagatin ako e. Hihi.

Hindi naman po talaga ako palaaway na tao. Sa totoo nga lang, nung bata ako, kahit binubully nako at inaaway na ako ng mga classmates ko, hindi talaga ako gumaganti kasi good girl talaga ako. Pero itong si Marga, grabe talaga. Warfreak! May mga friends din ba kayo o classmates na warfreak? Sa totoo lang naaawa ako sa kanila... kasi wala silang friends. At least tayong mga mababait, punong-puno ng love and friendship diba?

Pero parang natetempt akong sabunutan sya kaso baka bad yun. Pag sinigawan ko naman kasi sya, baka naman mamalat pa ako at masira pa boses ko. Ayoko ngang aksayahin at sirain ang lalamunan ko para lang awayin siya. Kung kayo nasa kalagayan ko at sobra kayong inaway, gaganti ba kayo? Sisigawan nyo ba o sasabunutan?

Peace and love,
Jenny

24 March 2010

:'(

Pasensya na kayo kung hindi ako nakaka-post lately ha. Medyo ang sakit lang kasi talaga ng pinagdadaanan ko lately. :( Akala ko kasi okay kami ni Paco. Ilang beses pa ngang sya ang pinipili ko e. Nung tinanong ako kung anong gusto kong kantahin sa audition, pinili ko ang We Belong kasi kanta ko yun para sa kanya e. Nung inalok ako ni Jason ng kape at inalok nya ako ng tsaa, kahit alam kong masakit para kay Jason, pinili ko pa rin ang tsaa.

Pero bakit naman ganun, Lord? Lahat ng kasiyahan kong ito. Lahat ng mga kilig moments ko, ibig sabihin hindi ba totoo? Nagulat na lang ako nang bumalik si Marga. Tinawag pa nya si Paco na baby. E sabi ko sa sarili ko nun, kung magkakaboyfriend ako, gusto ko ang tawagan namin e parang "bebe ko", parang tawagan ni Laida at ni Miggy sa You Changed My Life.

Sorry kung medyo malungkot ang post ko ha. Kasi parang ngayon, ang baba-baba na ng loob ko. Kasi bumalik na si Marga. Siya naman ang tunay na star e. Siya naman talaga ang tunay na diva. So ngayon na nagbabalik na siya, baka di na ako kelangan ni Paco.

Pagpasensyahan nyo na ako ha. Buti na lang si Jason andyan pa rin ngayon at ineencourage ako that I'm more deserving than Marga. Totoo kaya yung sinasabi niya? Magugustuhan pa rin kaya ako ni Paco?

Ewan ko friends, litong-lito na talaga ako. Baka naman masagot nyo ang mga bumabagabag sa isip ko.

Nakangiti pa rin kahit sad,
Jenny