RSS
email

14 April 2010

Jason will love me until the last rose dies...


Friends, mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon. Iyak ako nang iyak kagabi pa. Kasi hindi ko na naiintindihan ang sarili ko... Hindi ko na talaga naiintindihan ang nararamdaman ko... Totoo pala yung kantang "Sana Dalawa Ang Puso Ko". Sana pwedeng pareho ko silang piliin, para walang masasaktan... Para pareho silang masaya...

Kahapon, sinabi ko sa inyo kung gaano ko kagusto si Paco... Pero hindi kaya nabubulag lang ako dahil siya si Paco Figueroa? Dahil matagal ko na siyang pinapangarap? Hindi kaya masyado lang akong nadadala ng nararamdaman ko na finally, eto na't gusto na rin niya ako? Natatakot ako friends kasi hindi nawawala ang duda ko kay Paco... What if iwanan niya ako? What if balikan niya si Marga? What if in the end, ibang babae na ang gusto niya? E ang gwapo niya, sikat pa siya... So kahit sinong babeng magustuhan niya, madali niyang makukuha... Ganito na ba kababa ang tingin ko sa sarili ko na hindi ako deserving sa kanya? He's Mr. Perfect after all, but is he Mr. Right?

Hindi ko kasi alam kung bakit hindi nawawala sa isip ko at sa puso ko si Jason. Wala lahat nang ito kung wala si Jason. Hindi ako magiging si Jenny Raymundo kung hindi niya ako ininspire na magbago. Siya ang tumulong sakin at umangat sa akin nung hindi pa ako ang Jenny Raymundo na kilala niyo ngayon. Hindi nakita ni Paco ang insecure, ang panget, ang walang tiwala sa sarili na Jenny. Pero si Jason, nakita niya lahat nang ito, at tinanggap niya... Kung nakita kaya ni Paco ang dating ako, tatanggapin pa rin kaya niya ako?

Perfect nga si Paco pero hindi kaya si Jason ang right for me? Pag pinagdududahan ko ang sarili ko, sa kanya ako humuhugot ng lakas. Sobra rin akong natatouch at natutuwa na close na close sila ni Buchoy. Hindi man siya sikat, hindi man siya bida, pero parati lang siyang nandyan na naghihintay... Napatunayan niya what true love really means, and maybe it means having to wait for the one you love, and fight for her no matter what it takes. At wala siyang takot na lumaban kay Paco, mapatunayan lang sakin na mahal din niya ako.

Nainis nga ako nung una nang narinig ko ang "I will love you until the last rose dies." Akala ko eeffort ako buong buhay ko ng kadidilig ng bulaklak na bigay niya, wag lang malanta. Pero nagulat ako nang nakita ko na glass rose pala yun... Hindi namamatay... Forever na nandyan... Parang ang pag-ibig na handa niyang ibigay... Naluluha ako iniisip ko pa lang ang isang future with Jason na alam kong aalagaan ako at paulit-ulit na magpapaalala sakin na dapat mahalin ko ang sarili ko dahil kung hindi ko mamahalin ang sarili ko, pano pa ako mamahalin ng iba?

Hawak-hawak ko pa rin ngayon ang glass rose na bigay ni Jason... Parang mas simple at mas masaya ang lahat kung siya na lang ang pipiliin ko... Pero tama ba ang magiging desisyon ko? Litong-lito na ako. Ayan tuloy, tumutulo na naman ang luha ko... Ano bang gagawin ko? Gusto niyo ba si Jason para sakin? Ano ba ang lamang ni Paco sa kanya? Ano rin naman ang lamang niya kay Paco?

Pero in the end, sana isipin niyo po friends, sino ba sa kanilang dalawa ang tama para sakin? Kung kayo si Jenny at kayo ang babaeng mamimili sa dalawang lalakeng ito, sino ang pipiliin ninyo?

Pasensya na kayo sa kabaliwan ko lately ha, pero sana naiintindihan niyo.

Maraming salamat friends,
Jenny

45 comments:

  1. Why you should choose Paco:
    1. You've always love him, bukod sa pagtulong sa family mo, ang makasama si Paco ang dahilan why you auditioned. Ang mahalin ni Paco ay isa sa katuparan ng mga pangarap mo.
    2. He loves you too..All you have to do is choose him.
    3. He stood up for you nung tinarayan ka ni Marga and stayed by your side. He is man enough para ikaw ang piliin makasama sa concert nya hindi ka pa man nananalo sa showdown nyo ni Marga. Meaning its you he wants to be with.

    Kaming mga maka-Jenny-Paco tandem believes in TRUE LOVE so makakaasa kang we will do our very best to support both of you so you'll end up together.May TRUE LOVE prevail!

    ReplyDelete
  2. Jenny, dont cry..isipin mo si Paco, kasi KINIKILIG ka sa kanya..Sumasaya ang puso mo di ba..At nasubaybayan namin yan..So u should choose who ever makes your heart happy and not for pity and dahil lang sa utang na loob...kung hindi ka tinulungan ni Jason, di ba until now you will still dream Paco to be with you? Eto na, ikaw ang pinipili ng puso ni Paco..Piliin mo lang sya, magiging masaya kayo..Di naman forever din ang glass its breakeable!Wag mo pagdudahan si Paco..Pinili ka nya sa harap ng maraming tao di ba..Dinamayan ka rin nya sa lahat ng ups and down mo..And he profess his love to all not because sikat sya, kundi mahal ka nya at sya mismo fan mo..Saka bakit mo sya pagdududahan sa sinabi nya "There are a lot of women in the world, but you're the only one I see"..meaning kahit ilan pang babae bumalik at makilala Ikaw pa rin ang pinipili at ang nakikita lang ng puso nya...

    Jenny Piliin mo ang sinisigaw at nakakapagpasaya ng puso mo..Yun ay si Paco..Kita sa iyong mga mata at ngiti..Si Paco ang nakakapagpasaya sayo mula nuon hanggang ngayon...Forever Jenny Paco..

    ReplyDelete
  3. jenny, hawak hawak mo ang glass rose na bigay ni jason. you probably think pang forever yan but how about if you drop the glass rose at nabasag. asan ang forever dun? wala? diba? the reason bakit nagustuhan ka ni jason kasi narinig niya yong napakagandang boses mo. producer siya. ask yourself, how about kung makakita siya ng mas magaling na singer? baka ipagpapalit ka niya. trabaho niya yan at expert siya jenny so please, huwag magpaloko. it's his job kasi he sees your potential to make it big as a singer. pero kay paco, sinabi na niya sayo na of all the girls in the world, you're the only one he sees and he'll never stop loving you. between you and marga, ikaw ang pinili ni paco. that means may confidence siya sayo. hindi ka pa sikat pero na inlove na sayo si paco. just believe jenny. don't be confused between love and utang na loob.

    ReplyDelete
  4. Jenny, we are choosing Paco from our hearts and what we believe in not becoz of pity.. I hope you will choose who makes your heart happy si Paco, just like us kita namin masaya kayo together kaya masaya kami na kayo ni Paco Jenny ang pinipili namin..

    Jenny choose your happiness..at yun nga si Paco.. GO PACO N JENNY!!!

    ReplyDelete
  5. Jenny naging Jenny Raymundo ka na hinahangaan ng lahat ay dahil sa taglay mong talent at pagiging humble..Jason myt have helped u a lot pero its not because of Jason kaya ka Jenny Raymundo ngayon..Lahat ng ginawa ni Jason, lyk un pagdiscover at pagmotivate pag u doubt urself, eh part ng job nya yun as concert producer..

    Happiness mo ang nakataya sa magiging decision mo, hindi if makakabayad ka ng utang na loob..So go for Paco na according din sayo he makes u happy and special..You both have spent quality time together outside da stage and da more nakilala mo si Paco da mor mo sya minahal di ba.. Kaya imposibleng dahil sa status lang ni Paco kaya mo sya minahal..

    Go for Paco Jenny..Sa isat isa kayo magiging masaya...

    ReplyDelete
  6. i think mas happy ka kay PACO...and i know xa lang ang nandyan sa puso mo...naaawa ka lang kay jason...

    ReplyDelete
  7. Bakit nga ba flowers ang ibinibigay sa taong espesyal sa atin kapag nagconfess sya ng pagmamahal? (specially roses). Kasi ang bulaklak katulad ng pagmamahal ay kailangan ng sapat na pagaalaga at atensyon upang patuloy na mabuhay.. Kaya sya ang nagiging simbolo ng pagmamahal mo sa isang tao at pangakong aalagaan sya katulad sa bulaklak na ibinibigay mo..

    Sa glass flower na ibinigay sayo ni Jason at sa sinabi nya sayo, paanong mamamatay ang isang bagay na kahit kailan ay hindi nagkaroon ng buhay? hindi kaya ang pagmamahal nya sayo ay katulad din ng glass flower? maganda lang idisplay, pero walang damdamin, malamig pag hinawakan at walang buhay..

    Kaya mas marami pa rin mga romantiko at umiibig ng wagas ang nagbibigay at nais makatanggap ng dose-dosenang fresh flowers..

    Piliin mo ang makakapagpasaya sayo at nagmamahal ng lubos sayo gaya ni Paco..

    ReplyDelete
  8. vote for Paco!!! vote for A...

    [IMG]http://i463.photobucket.com/albums/qq356/emgie101/fms/hiymep902copy.jpg[/IMG]

    ReplyDelete
  9. kung sino ang nakakapagpasaya ng puso mo..dont let him go..otherwise u'l regret it forever..piliin UNG MAHAL MO at ang totoong nagmamahal sayo :)

    clear ur mind so ur heart can feel

    PACO FOREVER

    ReplyDelete
  10. Tunay & forever ang pagmamahal ni Paco para sa yo Jenny. Kayo nman ang para sa isa't isa sa simula pa lng ng microsode.

    Jenny iba ang PAGMAMAHAL sa AWA AT UTANG NA LOOB...

    Follow ur heart Jenny... Dininig na ni Papa God ang prayers mo na makita, makasama at makausap mo si Paco. Si Papa God na ang gumawa ng paraan para ma-met mo sya at matupad ang mga pangarap mo kasama si Paco

    ReplyDelete
  11. Jenny unbreakable at totoo ang pagmamahal ni Paco para sa yo....

    ReplyDelete
  12. Kung kayo si Jenny at kayo ang babaeng mamimili sa dalawang lalakeng ito, sino ang pipiliin ninyo?

    alam mo jenny.nakaktuwa ka talaga...para kang si sarah :lol: you're just afraid to lose the one you love kaya ka ganyan. :)

    "What if iwanan niya ako? What if balikan niya si Marga? What if in the end, ibang babae na ang gusto niya? E ang gwapo niya, sikat pa siya... So kahit sinong babeng magustuhan niya, madali niyang makukuha... Ganito na ba kababa ang tingin ko sa sarili ko na hindi ako deserving sa kanya?"

    wala lang it just makes me smile :)

    alam mo jenny, love is God's gift. you dont love for reasons. you love because you just know you love a person. you feel it. you dont want to lose them. you know what? you feel like that with Paco. you dont want to lose him.
    you love him even before he doesnt love you back. that's love Jenny. you cannot just throw it away dahil may ibang taong nagpapakita rin ng mabuti sayo. dont choose someone dahil lang may UTANG na LOOB ka sa kanya.

    you will be too lonely if you see Paco with Marga, so why do you have to let him go?
    He already fought for you, and you know what,
    for true love to succeed,there must be mutual love. you mutually love each other. you're not confused that you love him, you're just confused if you will commit a mistake by choosing him. magkaiba yun Jenny.

    As for me, I choose Paco, not because of anything else, but because I know deep in your heart you truly love him.

    and you know what, if given a chance, this will be the same advice I'll give to Sarah. :)

    Ipagppray ko na sana magkatuluyan kayo ni Paco. :) He did the first things. He first saw you. You first loved him. He was the one who gave you flowers d mo lang alam. Mahal ka nya hindi dahil magaling ka, mahal ka nya dahil un ang totoo and he will never be himself without you. :)

    ReplyDelete
  13. Pinaka-maganda, siyempre, yung Mr. Perfect at the Right Time. Yung best traits ni Paco at ni Jason ay parang pinagsama all in one sa isang totong tao na malapit kay Sarah simula noong nag-uuumpisa pa lang siya.

    ReplyDelete
  14. hayy jenny choose love, choose happiness..you'll be happy with paco. He's right for you. ...sya na talaga...;) u belong..;)


    Jenny choose love...choose Paco;)

    ReplyDelete
  15. "I will love you until the last rose dies."

    jenny, the last rose is already dead! it's not even alive to begin with. so how can you tell his love is real when he's offering you something that's not even real. please don't be fooled! choose PACO.

    ReplyDelete
  16. KAKATAPOS KO LANG MAG VOTE.... NG LETTER....

    A!!!!!

    SYEMPRE PARA KAY PACO LANG

    -dreamglow

    ReplyDelete
  17. jenny hindi ka naman dapat malito kung sino ang pipiliin mo....basta kung sino yang nasa puso mo... yon ang piliin mo...

    PACO pa rin!!

    ReplyDelete
  18. ke Paco pa din me.kasi siya ang tunay na nagmamahal sa yo nung piliin ka nya over Marga nagpapatunay lang na mas mahal ka nya kesa ke Marga kaya hwag ka na malito.AT naniniwala ko na di ka nya sasaktan.

    GO PAPA MARK ay PAPA PACO pala

    ReplyDelete
  19. Jenny si Paco na lang kasi siya ang true love mo at siya lang din ang nagmamahal sa yo ng tunay.diba sabi nga sa dinadami ng babae sa mundo ikaw lang ang nakita nya at mamahalin.naks naman parang si Mark si Sarah lang ang nakikita

    ReplyDelete
  20. oh please..piliin mo si jason..xa yung totoong nkakita sa mga weakneses mo when u were just starting..he will love and take care of you until the last rose dies..TEAM JASON!

    ReplyDelete
  21. jenny, please don't let go of the person you really love dahil sa utang na loob. piliin mo kung sino ang nasa puso mo and choose the man that will truly love you forever at ikaw lang as paco said, "sa lahat ng babaeng nakita ko sa boung mundo, ikaw lang ang gusto ko and i'll never stop loving you jenny. waaaah.... kilig talaga!

    ReplyDelete
  22. jenny, don't give up your true love and happiness at si paco lang ang makapagbibigay sa iyo niyan dahil ikaw na rin ang nagsabi perfect siya eh di wala ka nang hahanapin pa. at sabi nga niya i'll never stop loving you, jenny.

    ReplyDelete
  23. jenny, kung kanino ka masaya doon ka. for me, paco is your mr perfect and mr right as well. sa sinabi niyang, there are a lot of women in the world, you're the only one i see. i'll never stop loving you. kahit ilang marga pa iyan, ikaw lang at ikaw pa rin ang gugustuhin niya at mamahalin. waaaah.... super kilig talaga. parang mark at sarah sa real life.

    ReplyDelete
  24. glass rose. Babasagin. yun lamang pow..

    Jenny! Paco all the way!

    ReplyDelete
  25. Parang ang sama nyo naman kay Jason nung sinabi ninyo na ung glass rose, babasagin. Isipin niyo ang feelings niya--The glass rose is an excellent symbol of his love in the sense that if you protect it, it will last forever. :) Eh syempre, kung mahal mo naman yung tao, hindi mo naman papayagan na mabasag lang yun diba? Two-sided dapat ang love--dapat rin willing si Jenny na alagaan din sya to make sure the last rose never dies. :)opinion ko lang yan friends, wag niyo sana isipin na against ako kay Paco, alam mo marami ring may gusto sa kanya. Pakiramdam ko lang na mas marami ang kailangang pagdaanan ni Paco para maipakita kay Jenny na talagang sa kanya lang siya titingin, habang si Jason, sa simula palang, sa kanya na nakatingin. :) Jason forever!!!

    ReplyDelete
  26. masama ba ang magsasabi ng totoo? magbulagbulagan na lang ba at i-deny yong true love mo sa isang tao para sa utang na loob?

    ReplyDelete
  27. PACO ang piliin mo ok??
    anu bah??! maglolokohan pa bah tau?
    c PACO lang dapat for you! :D

    ReplyDelete
  28. YEHEY!!!PACO AT JENNY SA HULI!!!WOOHOOO!!!CONGRATS JENNY MASAYA KAMI SA NAPILI MO..AT ALAM NMIN MASAYA KA TALAGA!!! YEHEY!!!POWER PARTY NA TAU!!!

    ReplyDelete
  29. eto na si Paco ang BIDA sya ang nanalo sa puso ni JEnny congrats Mark kas nanalo sa puso ni Sarah

    ReplyDelete
  30. ok lang kht si paco ang napili niya...pero sana may part two para sa kanila naman ni jason db?!
    hekheks

    ReplyDelete
  31. mga guys matagal ko ng pinapangarap na si Sarah at si Guji ay magsama sa isang palabas kaya full support ako sa miniseries na to at sana hindi to ang huli na mag tatandem sila kasi alam ko yung isa lumipat na kaya go Guji at Sarah...i will w8 for next project for yeah! wahahaha

    ReplyDelete
  32. mga tao po...alam ko kilig kayu kay paco or mark para kay jenny or sarah...aaminin ko nung una masaya ako para sa kanila pero buti wala na at lumipat na pero go lang...balang araw pag kayu kinilig kay Guji at Sarah cge kayu...alm ko may mararating sila...

    ReplyDelete
  33. nakaka turn off talaga ang mga fans ni guji. may ka loveteam na siya at dun na lang ako magsupport sa kanya. mas bagay si guji kay kaye. mas nagustuhan ko yong chemistry nila. sana magkarun ulit sila ng project together.

    go go go kaye and guji!!! undeniable ang chemistry niyong dalawa.

    ReplyDelete
  34. Of course, PACO forever!!! Kelangan pa bang itanong yan????

    ReplyDelete
  35. ,.,hindi paco its JASON,.,.!!jason dapat

    ReplyDelete
  36. hehe Paco.panu magiging Jason eh 9% lang me gusto sa kanya.gogogo Paco

    ReplyDelete
  37. Go Paco.panu magiging Jason eh 9% lang nagvote sa kanya para ke JEnny.obvious na si Paco ang gusto ng maradi para ke JEnny.GOGOGO Paco

    ReplyDelete
  38. GOGOGO JENNY SANA MERON PANG PART 2 ANG HAIR IS YOUR MOMENT KASI ANG GANDA GANDA SOBRA!!!!! SANA SI JASON NA LANG ANG PINILI MO!!!!! TNXS

    ReplyDelete
  39. lovelyjean24

    i love sarahhh..i really like u muahhhhhhhhhhhhhhhh

    ReplyDelete
  40. bakit pilit na pilit nyo isiksik si jason para kay jenny?

    just accept na lang ang result. si paco ang nanalo.

    go go go jenny and paco!!!

    ReplyDelete
  41. c Jason nlang Jenny ... Bagay kau ... try imagining dat ur kissing dba bagay nah bagay kau ... tlga ... promise ... heheh

    ReplyDelete