RSS
email

08 March 2010

Before and After

Uy salamat sa mga comments nyo ha. Sige, pag-iisipan kong mabuti yang mga sinabi niyo. Pero sige, ipagpalagay nating makikipag-date nga ako talaga kay Paco, syempre gusto ko naman na beauty ako diba? Kasi tignan nyo naman kung gaano ako kaganda dati:


O diba? Naku may lumapit nga sakin once na talent manager daw sa mall, tinatanong kung pwede raw akong gumanap na white lady para sa isang horror movie. Aray. Ang sakit-sakit naman. Kaya siguro walang nagkakagusto sakin dati. Ikumpara nga natin sa hitsura ko ngayon. Hihi.



May improvement naman diba? Kaya siguro finally e niyayaya na ako ni Paco makipag-date. Siguro kung nakita niya ako dati, kakaripas yun ng takbo. Uy walang biro, nung gumamit ako ng Sunsilk, gumanda talaga nang ganyan ang buhok ko... Sabi nga ni Jason, paganda raw ako nang paganda. Binobola lang ata niya ako eh. Nanonood kami ni Buchoy ng Oscars kanina. Pinagalitan ko nga siya e! Akala ko sabi niya mukha akong nabubulok. Yun pala, kamukha ko raw si Sandra Bullock. Ayiiii!

Eeeehhh... para kasing ayokong maniwala sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Kayo nga, judge me. Haha, parang autograph lang. Gumaganda ba talaga ako? O baka ilusyonada lang ako ngayon? Hehe. 


Powerhug!
Jenny

36 comments:

  1. in fairness sa'yo jenny. gumaganda ka naman talaga. kita naman dyan sa before and after picture mo o! :) parang naiinggit na 'ko dyan sa hair mo. anyway, maiba 'ko. alam mo, mas bet ko si Jayson for you. nakikita ko ang kanyang look of admiration sa'yo jenny! ang taray, nagkagusto sa'yo si jayson! ang haba ng hair mo, hindi lang literally, figuratively pa! ;) ayiii! sana kayo magkatuluyan. magpaganda ka pa nang bongga para ligawan ka na niya. :) good luck sa'yo jenny raymundo! :D

    -powerhug din,
    long-haired girl

    ReplyDelete
  2. wow finallyyyy! fan din ni jason! ako rin jenny, mas gusto q poh para sau si jason! hello, di ka nga gusto ni paco e kasi lilipat na sa kabila. hahahaha. e si jason andyan lng parati 4 u. hehe. powerhug!

    ReplyDelete
  3. jenny!!!!!! ang ganda ganda mo talaga!

    ikaw ha...kita ko ang mga tingin mo kay paco...kilig ka tlg girl....ehehe...si paco rin grabe makatingin sayo...hahah napapalingon nga si jason parang inggit sa tinginan nyo ni paco...

    oh well...ganun tlg di ba jenny...kapag mahal mo, mahal mo...kahit anu pa ang sabihin ng iba.

    sige jenny magpaganda ka ng husto. :)

    ReplyDelete
  4. wow.. maganda ba tlga un movie jenny? un ba un movie na nagpanalo kay Sandra? grabe... grand slam ata siya e... hihihi..

    anyway... jenny.. kaya ka nga makikipagdate kay paco to know him better... unfair nman un.. si jason nakasama mo na how about paco nman this tie... hahahaha,...

    wag ka matakot date lang un.. kaya mo yun! kaw pa... tutulongan ka namn nang sunsilk para mas lumakas pa un confidence mo e...

    Go go go.. power!

    ReplyDelete
  5. maganda ka naman talaga jenny kaya nga bagay kayo ni paco...simula pa lang parang type ka na agad ni paco...titig pa lang ni paco ibang -iba na...kayo ang bagay na mag katuluyan...

    ReplyDelete
  6. Jenny gumaganda ka talaga..maganda ka na naman nun umpisa palang eh...Galing ng Sunsilk...di naman tumakbo si Paco..hinila lang sya paalis nun nalate ka sa studio...Ayyiiieee kilig talaga kayo ni Paco...Really cant wait for more scenes of you and Paco...JennyPaco forever...Si Paco pa rin ang bagay sayo...

    ReplyDelete
  7. Bagay na Bagay talaga sina Paco and Jenny..Uber sa kilig..Paulit ulit ko ang mga eksena nina Paco n Jenny di ako nagsasawa...Tinginan palang kilig na..Ngitian pa!!! Jenny sana lumabas na kayo ni Paco..tapos kumanta kayo..Suggestion ko ke paco yung ginawa ni Baste sa STTP..hehehe...More JennyPaco...love them both talaga...Nakakainspire lalo dahil kina PacoJenny samahan mo pa ng sunsilk..Wow, feeling ko tuloy naganda din ako!and like ko magkaron ng gaya ni Paco din.U r a very lucky girl Jenny having Paco...more power to JennyPaco!!!

    ReplyDelete
  8. jenny kung magdadate kayo...kayo lang ha hahah!

    just be yourself. sa ganda mong yan saka sa ganda ng hair mo...

    si paco tlg ang bagay sayo...kita mo mabait sya di ba

    ReplyDelete
  9. jenny mganda ka naman talaga kulang nga lng ayus yung buhok mo dati.. pero ngayon sa tulong ng sunsilk syo may improvement talga.. gumgand at lumalbas na talga kagandahan mo..

    jenny acording nman sa pakikipag date mo k paco eh. go girl dba matagal mo na yan hinihintay? grab the aportunity jenny, niyaya kana ni paco.. go girl kaya mo yan.. unti unti mo nrin naabot mga pangarap mo jenny abot na ng dalawa mong kamay ang mga pangarap mo si paco,maka duet si paco at ang 100,000 thousand pang bayad k banker.. hehehe..

    ReplyDelete
  10. Jenny kahit noon pa maganda ka na talaga...at lalo pang gumaganda dahil sa sunsilk at syempre dahil din ke Paco...yihii!

    kwentuhan mo kami sa date nyo ha! hahaha masyado naman ako excited..

    go Jenny & Paco!!!!

    ReplyDelete
  11. wow ang laki na ng ginanda ng hair you compare sa dati.

    naku dahil sa buhok u ngaun lalo magkakandarapa ang 2 boys sayo.

    gudlak jenny.

    ReplyDelete
  12. si sandra, mas maganda ka dun.
    heheheh...
    at pareho kayong charming at lovable.

    ReplyDelete
  13. wow! ganda naman ang hair mo jenny. sabi mo, 10 days pero wala pang 10 days, napaganda na tuloy ang iyong buhok. galing naman ng sunsilk.

    ayan, mataas na yong confidence mo. have fun sa date niyo ni paco.

    ReplyDelete
  14. hahahaha ..........
    for me jenny ...
    " your the best "
    gumaganda ka naman talaga super !!!
    kaya me gamit na ang sunsilk kaya gumaganda din me hehehe .......
    nae experience ko yan hahhahaha ..
    "ARAY!!!"
    .....POWER..........

    ReplyDelete
  15. sa totoo lang jenny ang ganda ganda mo na ngayon, lalo na noong audition, though natuwa ako sa medyas mo at ang ganda ganda ng hair mo. si paco nga di maalis ang tingin sa iyo, dahil maganda ka naman talaga.

    ReplyDelete
  16. walang duda jenny, si paco gandang ganda talaga sa iyo, kaya gusto kang bigyan ng flower kaagad(kaya lang di naibigay...sad naman ako)at take note he's asking you out pa. i'm going to use sunsilk na rin para magkakapaco din ako.

    ReplyDelete
  17. hala! mag POWERDATE ba kayo ni PACO...go go go!

    ReplyDelete
  18. Mas maganda nga nung gumamit kna ng sunsilk. Bili din tayo, guys! Anyway, follow nyo naman ako, hehe ito blog ko: http://margene1220.blogspot.com/

    ReplyDelete
  19. NO DOUBT JENNY!!!! MATAGAL KA NG MAGANDA KAHIT GANUN PA ANG HAIR MO! LALO KA LANG GUMANDA NGAYON!!! GANDA GANDA MO TALAGA!!!

    ReplyDelete
  20. Maiba ako... di bah, sabi sa episode #1 ung interview kay Jason, the winner will received 100k, eh di bah si Jenny na nakuha to sing with Paco, Tanong ko lang... Nakabayad na kaya sya kay Banker?

    ReplyDelete
  21. ur beautiful inside and out..jenny..

    ReplyDelete
  22. mkipagdate n u ky paco last chnce nyo to mgksma na...

    ReplyDelete
  23. hahah natawa ako pati si mommy divine nagcomment LOL ang galing tlg hahah....go go go daw sa date with paco sabi ni mommy....hehehe...

    ReplyDelete
  24. binibigay ko ang blessing na mag date kayo...kc may tiwala ako kay mark..ay paco pla...

    ReplyDelete
  25. haha.With blessing na from mommy D o, kaya jenny go go na. Date na kayo ni Paco my love mo. hwag mo na bitiwan baka aalis pa yan.Ikaw din, baka magsisisi ka. Kahit dito na lang pagbigyan mo naman c Mark ay c Paco pala.O Paco wait lang nang konti ha hwag lilipat.... nang tingin sa iba.

    ReplyDelete
  26. ay nagbago na isip ko. wag ka palang makipag-date kay paco. kay jason ka na lang ha, anak?

    ReplyDelete
  27. maganda ka na dati Jenny kahit hinde ka pa gumagamit ng sunsilk pero lalo kang gumanda ngayon dahil maayos na ang buhok mo. Maiba ako nag post sina Paco and Jason sa Facebook mo , di paano yan bistado ka na nila na ultimate and first love mo si Paco? hehehe, sana huwag kang masyadong mailang. Share mo naman iba pang bagay about Paco, sigurado ako alam mo blog account niya. Hinde ko mahanap eh.

    ReplyDelete
  28. naku jenny natry ko din yung orange na sunsilk ang bango nga nya!!

    bigyan mo naman ng chance si jason pls! aalagaan ka nya!

    ReplyDelete
  29. hahahaha jenny si paco na lang , lam ko naman love mo talaga si paco, di ba sabi mo pasasayahin mo siya pag nag meet na kayo? sana nga may blog din si paco , tanungin natin bakit minsan malungkot yung mga mata niya.

    ReplyDelete
  30. ngayon na meet mo na si paco jenny, huwag mo na siyang pakawalan. diba forever siya sa puso mo? kasi paco is the one. si paco ang love mo.

    ReplyDelete
  31. real mommy divineMar 9, 2010, 7:15:00 PM

    sarah..este jenny pala ako ang totoong mommy divine...sino ba tong impostor nato? huh? wala akong sinabing makipagdate ka kay jason!...

    lam mo naman kung sinong gusto ko dba? napag usapan na natin to sa bahay...

    si PACO ang i date mo anak...para na ko na rin yang anak jenny...

    ReplyDelete
  32. Jenny maganda ka na dati pa but sunsilk transformed
    you to be a most beautiful girl in the eyes of Paco,
    say yes na for a date with him para di ka lang beaty in face
    but beauty inside too, for sure lalo sya mainlove
    sa iyo....

    ReplyDelete
  33. haaaaaaayyyy nako jenny.... buti k pa daladalawa nag kikipag date seu... ur so beautiful kc ehh, sana maging keu ni paco nohh...

    ReplyDelete
  34. Hayy naku Jenny parehas lng tayo ng buhok mukha na lng sana kasi i also use Sunsilk Hair Reconstruction!!!!

    Me to you Ill choose Jason kaysa kay paco
    but follow your ♥ ily

    ReplyDelete
  35. i love you jenny . love kita ate sarah
    gusto ko hair mo parehas tyo ng shampoo

    ReplyDelete
  36. Ang ganda ng hair!!!

    Maganda, gumanda at patuloy ka pang gumaganda Sarah, ooppsss, Jenny... Kaya eversince inlove na sayo si Mark... oopppss again.. si Paco.. Eversince nakita ka nya.. and take note, hindi dahil lang sa looks mo kaya ka nya nagustuhan, kundi sa personality mo habang nagpapractice ka nung We Belong.. hehehe.. Maybe, he saw something in you that is way beyond what eyes can see.. :)

    ReplyDelete