RSS
email

10 February 2010

Scary hair disaster


Hala! Tinatawag na ako ni Ninang Erica. May mga customers na pero hindi nila maasikaso kasi busy pa sila sa pagluluto ni Tanta sa kusina. Medyo late na kasi silang nagising kanina. Pero ayoko atang magpakita ngayon sa restaurant. Nakakahiya! Kahapon kasi may young couple na kumain sa amin kasama ng five years old nilang anak. Ang cute cute nung bata. Mukhang anak-mayaman, mestisahin, tapos curly yung mahaba niyang hair. So nilapitan ko para kulitin. Alam ni’yo naman na mahilig ako sa bata ‘di ba?

But it turned out to be a disaster! Biglang umiyak yung bata at kahit anong gawin nung mommy niya hindi siya mapatahan. Yun pala natakot sa akin! Sabi ba naman, “Mommy si Sadako! I’m scared!” Sabay turo sa akin! Nagtawanan tuloy yung ibang customers na napatigil sa pagkain dahil sa eksenang ginawa nung little girl. Nakakahiya talaga! Ayaw kasing tumigil sa pag-iyak nung bata. So para wala na lang gulo, nagtago na lang ako sa kusina hanggang sa umalis sila.


As if that’s not bad enough, nalaman ng mga kapit-bahay namin yung nangyari kaya pati mga bata dito sa lugar namin inaasar ako maghapon na "Sadako! Sadako!" Kasalanan ko bang sobrang buhaghag ng hair ko? Anong magagawa ko kung wa-epek yung shampoo na gamit ko? Ilang beses na akong nagpalit ng brand pero ayaw talaga. Huhuhu… Paano na ‘yan? Hindi ko ata kayang humarap sa mga tao ngayon. Pagtatawanan nanaman nila ako.

Ah basta! Siguradong fresh pa sa memory ng ibang regular customers ang nangyari. Kaya sasabihin ko kay Ninang Erica na sa kusina na lang muna ako maglalagi ngayon. Kailangang gamitin na lang muna ni Tanta ang pagiging mala-stand up comedian niya para ma-entertain yung mga mag-la-lunch sa Ang Sarahhhp Dito! O siya, ganon na nga lang. I can do this! Poooower! :)

XOXO,

Jenny



16 comments:

  1. kawawa ka naman jenny! =(

    ReplyDelete
  2. huhuhu... ok lang yan! Power!!!!

    ReplyDelete
  3. Okay lang yan! Power!

    ReplyDelete
  4. powerrrrrrrrrrrrr to the max

    ReplyDelete
  5. ill give u.. a power hug!!! dont be sad na.. hehe

    ReplyDelete
  6. hayaan m jenny, kyang kaya yn ng sunsilk...

    ReplyDelete
  7. ...kayang-kaya mo 'yan teh!!!! pa-powerhug nga???

    ReplyDelete
  8. ....idol na idol kitang supeeeeeeeeeeeeeeeeeeer!!!

    ReplyDelete
  9. ,wheee.,.. don't yah wooryy cozzzzz you got the POWER...gogogogogogo

    ReplyDelete
  10. Idol kita Miss Sarah,my family and my friends said magkahawig daw tau....And I'm proud of it,cyempre ikaw pa din ang ngiisang Sarah for me you are the Super Star of this Millenium More Power.Todo Shine na ang Star Power ng Hair mu..God Bless!(-:

    ReplyDelete
  11. Cute talaga ni SARAH kht nakabuhanghang ang buhok.
    I love this miniseries nakakaabang na ang susunod na episode. YOUR THE BEST SARAH G.

    ReplyDelete
  12. mynameisSARAHj_jeanluistroFeb 19, 2010, 4:35:00 PM

    gogogo jenny!!! let your light shine! i will support you forever!
    SARAH!!!POWERHUG for you! ILOVEYOU SARAH...YOUR AN INSPIRATION! may GOD bless you and your family always.
    ...uy, natanggap mo ba ung cd n ipinabigay q ky titacristy nung nov7? sana nagustuhan mo...

    ReplyDelete
  13. ang kawawang si jenny....kht na ung gurl power ilabas na....hehehe

    ReplyDelete
  14. ok lang yan JeNny...just sMile im sure mawala na ung takot nila sau..hehehe

    ReplyDelete
  15. love you po ate!!!!!!
    POWER!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete