RSS
email

24 March 2010

:'(

Pasensya na kayo kung hindi ako nakaka-post lately ha. Medyo ang sakit lang kasi talaga ng pinagdadaanan ko lately. :( Akala ko kasi okay kami ni Paco. Ilang beses pa ngang sya ang pinipili ko e. Nung tinanong ako kung anong gusto kong kantahin sa audition, pinili ko ang We Belong kasi kanta ko yun para sa kanya e. Nung inalok ako ni Jason ng kape at inalok nya ako ng tsaa, kahit alam kong masakit para kay Jason, pinili ko pa rin ang tsaa.

Pero bakit naman ganun, Lord? Lahat ng kasiyahan kong ito. Lahat ng mga kilig moments ko, ibig sabihin hindi ba totoo? Nagulat na lang ako nang bumalik si Marga. Tinawag pa nya si Paco na baby. E sabi ko sa sarili ko nun, kung magkakaboyfriend ako, gusto ko ang tawagan namin e parang "bebe ko", parang tawagan ni Laida at ni Miggy sa You Changed My Life.

Sorry kung medyo malungkot ang post ko ha. Kasi parang ngayon, ang baba-baba na ng loob ko. Kasi bumalik na si Marga. Siya naman ang tunay na star e. Siya naman talaga ang tunay na diva. So ngayon na nagbabalik na siya, baka di na ako kelangan ni Paco.

Pagpasensyahan nyo na ako ha. Buti na lang si Jason andyan pa rin ngayon at ineencourage ako that I'm more deserving than Marga. Totoo kaya yung sinasabi niya? Magugustuhan pa rin kaya ako ni Paco?

Ewan ko friends, litong-lito na talaga ako. Baka naman masagot nyo ang mga bumabagabag sa isip ko.

Nakangiti pa rin kahit sad,
Jenny

68 comments:

  1. awwtz...after all u and paco hav been, alm nming mga viewrs tutuo yng feelings nia..malay mu poh pnilit lanh siya ni marga,,hehe...have faith lanh poh.. kung di ka poh mapakali talagah,,,
    SABUNUTAN MU NA SIAAAHH!!! NANG MABALIK SIYA SA OSPITAL,,(MALAY NIU, BKA MAAKSIDENTE C MARGA ULIT SA SABUNUTAN NIU HEHE)^^ peace! bka pati aku sbunutan nun hehe..

    ReplyDelete
  2. mas gusto ko si jason.. feeling ko mas bagay kayo. kay jason ka na lang, yaan mo na si paco kay marga..

    ReplyDelete
  3. naku naman Jenny huwag ka ng malungkot, i bet you na si Marga eh showbiz lang at ikaw ang real. Alam mo naman sa showbiz kailangan sweet ka sa ka love team mo pero tingnan mo naman duon sa unang tanong ni Marga kay Paco, kung na miss daw ba niya siya, that means ni hinde siya dinalaw ni Paco while she was gone? hehehehe , cheer up girl, believe and live your dreams rememberN

    ReplyDelete
  4. ..angeee heart broken ang may pinaka magandang hair ahehehe ...
    sige labas mo yan jenny ..
    baka pumutok yan jan mas maganda kung ilalabas mo yan..
    willing kaming lahat na makinig sayo..
    di ba friends ??HALA???
    ndi bagay sa inyo ni paco ang bebe ko ..
    at lalong ndi bagay sa kanila ni marga yun noh ...
    .. hay jenny ..
    malulukrey ka na talaga nyan hahaha ...
    tumatawa kahit malungkot ahaha....
    masarap kasi tawanan ang sakit na nararamdaman ..
    mas maigi nang tumawa kesa umiyak ahehe ...

    ReplyDelete
  5. hello jenny! i just got home, uy anu ka ba, anu naman ito nag-eemote ka jan...hehe. sige lang girl, ok sakin yang nag-eemote, may kakilala kasi ako ayaw ng ngeemote sabi ko nga ok lang naman yun. hehehe anyway, gaya ng sabi ko sa kanya,umiyak ka kung kailangan mong umiyak. ilabas mo ang emosyon mo. :)

    kung tatanungin mo naman ako about paco,
    naku girl, di b ikaw na rin may sabi nung d ka pa kilala ni paco. malungkot sya, sabi mo nga d b ikaw magpapasaya sa kanya. kita namin lahat yon, masaya si paco sayo. di ka nya ipagpapalit. :) after mo masad, magiging happy ka ulit...ikaw tlg...

    team paco tayo forever...ikaw pipiliin ni paco over marga, besides, showbiz lang ung sa kanila ni marga, feeling ko nga idea un ni ano...

    anyway...wag ka masiraan ng loob, mas talented at mas maganda ang buhok mo hehe!

    powerrrr jenny! powerrrr! dont give up on your love....we will help you win paco all the way! :) kasi true love conquers all. parang si mark at sarah :)

    ReplyDelete
  6. oo nga pala jenny,
    magsuggest lang ako ng term of endearment nyo ni paco,

    mas bagay sa inyo yung "honey"

    hahah. basta, mas maganda yon. :) hehe!

    ReplyDelete
  7. Jenny POWER!!!! you have it all para malampasan si Marga noh..You are way way more than that of Marga...Wag mo pansinin si Marga..Sayo nga masaya si Paco eh..Im so sure ikaw ang mahal ni Paco..Masaya kayo ni Paco..kaya dapat kayo dalawa ang magEnd up..dahil for sure magiging masaya kayo ng totoo...Power Jenny-Paco!!! Pagsubok lang ni Papa God sa inyo yan..para mas maging matibay ang magiging relasyon nyo at pagmamahalan nyo sa isat isa...Go Jenny and Paco...

    ReplyDelete
  8. jenny dearest, wag ka mangamba...eh si marga lang naman ang tumawag ng ganun, hindi naman sumagot si paco...

    may nabasa kasi ako...baka makatulong sa yo
    Love isn’t an easy thing to conquer,
    In fact, it’s practically impossible.
    If God wanted love to be easy,
    He wouldn’t have made tears.

    Never give up on love.
    If it’s really love,
    It’s worth the pain.
    Love is worth the tears,
    Love is worth everything you feel.

    at saka may line sa kanta di ba???
    NO I AINT GIVING UP ON LOVE!!!
    kaya dnt give up, mahal ka ni paco, makikita mo...

    ReplyDelete
  9. ang sabi si marga labrador eh ichachallenge ka lang...di naman sinabi sya ang pipiliin ni paco..dahil si paco ang pipiliin ay ikaw! nakakasiguro kami jan..kaya dont be sad..at isa pa talong talo mo si marga noh..ganda palang wala na sya..ikaw ay puno pa ng talento...kaya nga nagustuhan ka ni paco...alam nya sayo sasaya sya..at alam din nya at namin sa kanya ka lang talaga sasaya...kaya Power Jenny!!! Go Go Go Jenny Paco..andito lang kami lahat for both of you...

    ReplyDelete
  10. agree ako sa suggestion ni Kendahl na Honey ang term of endearment ninyo ni Paco kasi nung inalok ka ni Paco ng Honey for your tea, parang feeling ko tinawag ka niya hahaha. Huwag ka ng masyadong malungkot Jenny, sa mga darating na araw mas makikilala mo si Paco at malalaman mo rin ang dahilan kung bakit sabi mo parang malungkot ang mata niya minsan. Paco forever tayo di ba?

    ReplyDelete
  11. ate Jenny..... i understand your sad feeling......:(
    ako malungkot na masaya...
    malungkot kasi Marga's back and kuya Paco will not have time for you na.....
    masaya kasi you love him kasi.....you're worried na kuya Paco doesn't love you....i mean like " you LOVE him and he doesn't love you" worried....
    but wait look on the bright side.... you said nung una ka nag post...i think....na "may kulang kay kuya Paco kahit nandyan si Marga"... AND.... look at the way kuya Paco looks at you!! it is so heart-melting!!!!
    and then at the audition nung sinabi niya na "ang ganda mo pala...tapos "We Belong nalang ang kantahin mo" at nung kinanta mo yung We Belong....he sat at his seat awed...awestruck....and his eyes were "twinkling"
    so ate Jenny don't give up on kuya Paco..... mahal ka rin niya..so don't doubt.....
    just believe

    POWER HUG(s)!!!!!

    ReplyDelete
  12. paco kay jenny k n lng hayaan mo yang bruhang marga yan sbunutan mo n pati n rin c jason pra kaung dlawa n lng ni kenny s eksena......

    ReplyDelete
  13. jenny natural lng yan nararamdaman mo kasi mahal mo si Paco, saka dapat di ka nagsisisi sa kung anuman yung pinili mo(We belong, date with Paco at yung tea) dahil alam mo n yon ang magpapasaya sayo, saka wag mo agad ijudge si Paco hintayin mo muna ipaliwanag sa yo ang totoo ska nung nag date kayo never nyo naman napag usapan si Marga meaning masaya sa yo si Paco,and kung talagang mahal mo si Paco ipaglalaban mo kung ano yung nararamdaman mo, kasi yon ang magpapasaya sayo baka kung hahayaan mo paano mapapasaiyo ang taong mahal mo.

    ReplyDelete
  14. jenny... okay lang yan.. di sa lahat oras ay masaya.. meron tlga times na meron pagsubok na darating...

    wag ka na mag-emote... tignan mo nga un pic na nilagay mo.. kita sa mga mata ni paco na worried din siya... nag-aalala siya sau... baka magalit ka o magtampo... talk to him para mas magkalinawin na kayo...

    saka mas magaling ka kay marga noh! hihihi.. buhok pa lang.. wala na.. tingin ko di nag-susunsilk yan c marga.. hahaha.. bigyan mo n lang siya ng advise.. hihihi...

    and i like also kendahl suggestion.. hahaha.. "honey"... pero kaw.. nasa inyo nman yan ni paco if wag gusto nyo itawag sa isa't isa if ever kau na.. hihihi.. (kakakilig)

    basta paglaban mo ang alam mo para sa inyo!

    GO gurl! POWERRRR!

    ReplyDelete
  15. jenny, ang masasabi ko lang sayo, ipaglaban mo ang mahal mo. yan ay si PACO. tingnan mo ang mga mata ni paco. hindi siya masaya nung dumating si marga. kahit nung di ka pa kilala ni paco, malungkot na ang mga mata niya kahit na naka smile lang siya kasi nga, walang katotohanan sa marga-paco relationship. pang showbiz lang yan. baka pakulo lang ng producer na si jason para sumikat si marga. now that kilala ka na ni paco, napa smile mo ang mga sad eyes niya. talk to him at listen sa explanation niya. kaya huwag mong bitawan si paco. ipaglaban mo siya. dito lang kami, tutulong sayo. you've got the power kasi mahal mo si paco at mahal ka rin niya.

    oh by the way, alam mo kung ano ang dahilan bakit full of attention si jason sayo? alam niya kasi na mas magaling ka than marga. alam niya na sa galing mo, you'll make him richer.

    huwag ka nang ma confuse. paco jenny all the way!!!!

    ReplyDelete
  16. hay jenny, can also relate sa nararamdaman mo but dont worry pang-showbiz lang yang si marga...

    i know ikaw ang mahal ni paco for real... kaya wag na masyadong malungkot, and besides i know mahal mo si paco... so kailangang ipaglaban ang nararamdaman mo sa isang tao. in the end, i know kayo pa rin ni paco...

    siyempre.. Forever PacJen pa rin di ba for real...!

    ReplyDelete
  17. hala.. edi isali na rin si JL jan para may bebe na ikaw! :D ingat!

    ReplyDelete
  18. ngek. bakit isali si JL dito? ang mga ashlloyd talaga oo. di na sila makontento. may commercial na nga si JL at sarah. commercial to for sarah and mark so please, huwag isiksik ang idol niyo dito. nakaka turn off kayo! respeto na rin. or baka naman wala kayo niyan.

    ReplyDelete
  19. ngek! commercial ni mark and sarah? sinong maysabi? excuse me, commercial po ito ni Sarah lang, extra lang po si mark bautista. as usual, hanggang extra lang naman talaga siya. gets?

    ReplyDelete
  20. at yung commercial ni Sarah at Lloydie, talagang commercial nilang dalawa yun kasi nandun sila pareho. hetong sunsilk, nakita nyo na ba yung pagmumukha ni mark bautista dun sa commercial? nangarap pa kayo ano?

    ReplyDelete
  21. Jenny iha, sana matauhan ka. si paco may marga na, he doesn't deserve kung ano man ang nararamdaman mo para sa kaniya. maybe friends na lang kayo puwede pa. ayokong magulo ang buhay mo dahil lang kay paco. isipin mo na lang kung bakit ka sumali diyan sa contest, hindi para makipag-agawan sa isang lalaki kundi para sa kinabukasan nyo ng iyong kapatid.

    ReplyDelete
  22. awww...its ok to be sad Jenny. Of course naman, nakaranas na tau jan. But believe you me, wala naman ke Paco yung pagtawag ni Marga na Baby! ano ka ba! nakatingin nga sau si Paco nung dumating si Marga, kasi mas concern sya sa iisipin mo. WHich is by the way, tells me, he cares for you! Go for paco jenny! Hayaan mo na si Marga. I challenge mo na lang! Idaan mo sa song na TO LOVE YOU MORE Paco...mas bagay ang lyrics na..

    Don't go you know you will break my heart
    She won't love you like I will
    I'm the one who'll stay
    When she walks away
    And you know I'll be standing here still

    I'll be waiting for you
    Here inside my heart
    I'm the one who wants to love you more
    You will see I can give you
    Everything you need
    Let me be the one to love you more

    sige, ikanta mo lang! Paco all the way! Believe! Power!

    ReplyDelete
  23. yung nag comment about putting JL...dios ko naman. Talagang hindi nyo ito tatantanan! We are talking about Jenny and paco, pero isingit ba si JL. My goodness.

    Sabi nga ni Sarah, "ituloy nyo ang pngarap!" Total libre naman mangrap eh! hahaha...

    ReplyDelete
  24. alam mo jenny, whatever makes you happy, go go go. if you're happy kay jason, go ahead. if you're happy kay paco, ipaglaban mo yong napifeel mo. just follow your heart.

    ReplyDelete
  25. Wow! Magaling talaga ang mga fans ni JL. Kahit saan na may Sarah, gustong isingit ang idol nila. tsk tsk tsk

    Please, tantanan niyo na si Sarah. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa niyo.

    ReplyDelete
  26. in the first place, sino ba ang nagbanggit kay sir miggy (aka lloydie), hindi ba mismo si jenny? bago nyo sabihing issinisingit si lloydie dito, basahin nyo ngang mabuti yung blog ni jenny? kayong mga maka mark bautista ang patawa, pilit ipinagduduldulan si kuya kay sarah. kayo ang dapat sabihang . . pangarap ka na lang ba? o kaya, anino ka na lang ba mark bautista? kailan ka kaya sisikat pa at salamat may isang sarah na laging kinakapitan tuwina. oh laban ka pa!

    ReplyDelete
  27. nakakatuwa naman ang mga ibang nagcocoment ng negative kay mark bautista. ang family and friends ko ay number 1 fans ni mark kahit naman wala si sarah ay binibili namin ang mga cd's niya. kahit lumipat siya sa kabilang station doon din kami manonood. pero pag sila ni sarah ang magkasama super kilig kasi at bagay sila parehong magaling kumanta ang sarap nilang panoorin. sinusubaybayan namin ang dalawa since 2003. paco jenny pa rin kami iyong kay marga pang showbiz lang.

    ReplyDelete
  28. ayyy.. bat ganun?
    si jenny naman ang unang nagmention ng miggy(JL)..
    anong masama kung isingit si JL jan? pwede naman un.. im sure mas nakakakilig pa! :) BEBE KO! ♥

    ReplyDelete
  29. nakakatawa naman talaga ibang fans, huwag nating masyadong dibdibin ang pagiging fans. kung may favorite tayong loveteam, support na lang natin, we dont have to put down someone para lang itaas ang isa.

    Sana Jenny kahit sumikat ka na ng todo, hinde ka magbago at palaging maging tutuo sa sarili mo. Sana ipaglalaban mo pa rin yung paniniwala mo at yung love mo sa mga taong mahal mo talaga.

    ReplyDelete
  30. jenny! ok lang yan wag ka na ma-sad!!
    nanjan pa si JASON!! hehe.. love love love!

    JENNY-JASON!! yes naman! :D

    ReplyDelete
  31. jENNY PACO pa din :) tinagnan mo face ni paco worried ....... :)

    love ka nun!!

    ReplyDelete
  32. nakakaaliw talaga ang blog mo jenny. in love na si paco sa iyo since na makita ka. siya pa rin ang " bebe ko" number 1 sa puso mo kaya ipaglaban mo siya kay marga.

    ReplyDelete
  33. jenny, sorry na lang si marga dahil wala na siyang chance kay paco. sa iyo siya na inlove, mas bagay at mas kilig ang tambalan niyo. si paco na ang real" bebe ko" ng buhay mo.huwag mong pabayaan mawala siya sa iyo.go jenny!

    ReplyDelete
  34. guys..miggy AND laida....(hindi JL)..

    sus me.. bakit sineryoso. Pasaway!

    and we are talking about Paco And Jenny, bakit ba me JL? lol..hay naku..

    triangle ito ni PACO, JENNY AND JASON. Walang JL! ok?

    ReplyDelete
  35. i just love jason for you.:) manly, gentleman and very supportive. :D

    ReplyDelete
  36. ngek. bakit me ganito dito. :lol:

    anyway, jenny, sana ok ka na today.

    alam ko pinaghahandaan mong mabuti si marga.

    sana magshowdown kayo para magkaalaman na. malaman nyang ikaw ang the best! :)

    be inspired. hindi lang si paco ang inspiration mo di ba, pati si butchoy. :) ung mga mahal mong singkit. heheh!

    ReplyDelete
  37. grabe may tumitira pa kay mark dito o. naku naku...ayaw ni sarah nyan...para di mabad shot kay sarah...tantanan na si mark :)

    wag nang-aanu para di maano :)

    sabi ni Lord, kung sino ang walang sala at
    walang kapintasan sya ang unang bumato.

    dapat hindi tayo nag-aaway.
    concentrate tayo sa commercial...kayo talaga...

    ReplyDelete
  38. ui...loydie-sarah fans ako dti, pero wen i take a look the moments of mark and sarah sa youtube..they are so reaL!walang halong kshobizan...sorry..sa loydie fans, i think mdyo inggit kau kc hanggang movies and Tvs lang sila sweet pero sa off cam..wla talaga...

    yun ang lamang nya kay mark bautista....

    peace JLC fanatics...kay shaina na xa...

    ReplyDelete
  39. Hay nakououou! Pinagsiksikan pa ang idol nilang BABAERO na JL nayan. Sabihin nyo Kaya yan ke Sarah mga paninira nyo ke mark sa palagay nyo matutuwa si Sarah? Paco-Jenny -Jason Lang Ito wla ng iba..gets?

    ReplyDelete
  40. frends magfocus po tau sa blog ni jenny..

    between paco & jason lang

    walang siraan..kanya kanya tayo ng gusto..respeto na lang..im sure gusto nio ang salitang RESPETO

    parang lalong macconfused c jenny nian..nanadamay pa tayo ng ibang name..

    ReplyDelete
  41. hang in there, jenny. don't be in doubt because paco's admiration for you is genuine. =)

    ReplyDelete
  42. hahah kaloka ano ba un bakit kasi ginaganun si mark at talgang pinipilit pa ang taong wala dito kungt ako sa inyo tanggapin niyo na walng JLC_SARAH in real ako alam ko un dahil nakasama ko si sarah at ayn sa kanya wala talaga ...swear ko yan!!!

    ReplyDelete
  43. Nakakasad naman ang mga comments dito ng iba..Posting ur comments here are all free..pero sana be mature enough n know ur limitations..

    Tama nabanggit ni JENNY ang Miggy and Laida..syempre magkocomment ang ashlloyds..pero wala naman below the belt ke Mark Bautista...
    Tama commercial ito ni Sarah..pero nakasama si mark bautista, natural andito kami sumusuporta din sa dalawa at angkinin namin ang moments na ito..May commercials sina sarah n jlc na pwedeng pwede nyo po pagkaguluhan at pagbahaan din ng mga blogs n comments nyo..

    Konting respeto naman sa bawat loveteams...kung ayaw nyo ke Mark, di naman pinipilit gustuhin nyo..Pero wala din naman po kayo karapatan to put him down like dat.. Pero respetuhin nyo po na kasama NGAYON sa commercial na to si Mark Bautista..

    At Higit sa lahat..Paco and Jenny po dito..konting respetuhan lang naman..Nakakahiya sa mga namamahala nito!..

    --------
    FMS na maka Forever Paco-Jenny...pls concentrate on Paco and Jenny...thank you...

    Go Go Go Power Forever Paco and Jenny!!!...Jenny hoping u r okay na.. Dont worry anjan si Papa God..Para talunin si Marga..

    ReplyDelete
  44. Jenny, Let go and let LOVE... Let go of your fear and let LOVE lead you to the right answer. If Paco is THE ONE for you, sya yung makakasama mo sa huli.

    Some points you can consider para matimbang mo yung sa inyo ni Paco..

    1. Happy ba kayo pareho, together?
    2. Happy ba sya nung nakita nya si Marga?
    3. Tingin mo, mapapansin ka ni Paco sa simple at magandang mong ayos at mapapalapit ba sya sa yo dahil sa maganda mong asal, kung dati nya ng gusto ang personalidad ni Marga? Sabi mo nga, para syang malungkot dati di ba? Kasi, di pa nya nakikita ang magpapasaya sa kanya.
    4. Pansinin mo ang pag-aalala sa mga mata ni Paco nung biglang bumungad si Marga at umeksena sa pagitan nyo.

    Sana Jenny, maging matatag ka.. Marami ang tututol.. marami ring mananakit.. sana kung pano mo, natagalan ang lahat ng pag-subok dati sa buhay nyo, ganun ka rin magpakatatag sa nararamdaman mo ke Paco..

    Sa mga nagssalita ng hindi good.. Sabi ni Laida sa mga nagsasalita ng masama ke Miggy eh.. "Maniwala na lang kasi kayo sa goodness..." (not d exact words ata.. hahaha..) Konting respeto lang.. remember, dala nyo pangalan ng Idol nyo.. Tsaka baka magalit si Santa, di kayo bigyan ng regalo sa pasko.. :)

    ReplyDelete
  45. FMS po ako pero hindi ibig sabihin nun en eh aayawan/sisraan ko ang iba

    kung may aayw man ako sa iba at di rin lang naman kagandahan ang sasabihin ko..bakit kelangan ko pang ipost to think na ang blog na ito eh para sa sunsilk commercial ni jenny



    jenny wag ka an msad..smile ka na...para ngumiti rin ang future sa iyo..


    JENNY RAYMUNDO & PACO FIGUEROA

    ReplyDelete
  46. Don't worry Jenny, si Marga lang naman ang me gusto ke Paco eh.. Di ko naman sya masisi kasi, ang gwapo at ang bait ni Paco.. Mata pa lang, ulam na... May dessert ka pang killer smile... hehe..

    Go Paco and Jenny!!

    ReplyDelete
  47. Jenny, sana wag kang ma sad na may konting di good na usapan dito ah.. Pagpasensyahan mo na, iba iba kasi ng gusto talaga eh..

    Kung ayaw nila ke Paco para sayo, eh wala tayong magawa.. Ikaw na lang siguro ang kumilala ng tunay na Paco. At kung sa huli sya pa din ang gusto mo at mahal mo, asahan mong kasama mo ako.. Na magiging masaya para sa yo, kasi nahanap mo ang magpapasaya sa puso mo. Ang kasama mong aabot ng mga pangarap mo, para sa pamilya mo..

    Ang drama ko.. woohoo!!! Go Jenny!!!

    ReplyDelete
  48. Ay, may ganunan pala dito.. hahaha.. Bat kay Brod Pete walang nagpupush para kay Jenny.. hahaha..

    Si Banker kasi, nagpa-autograhp di ba?? Tingin ko, like din nya si Jenny na... hahaha..

    ReplyDelete
  49. mga ashlloyds...pwd gumawa kayo ng sarili nyong blog...don sa 555 carne norte commercial....

    wag dito....

    trespassing na kayo..!

    kung walang blog na ganito ang ashlloyds...

    magimbento nalang kayo...pa as if na si sarah ang nagboblog sa 555 T.V ad...

    ReplyDelete
  50. haaaay ate jenny ngulat ako. sbi ko "anung drama ito ung totoo?" hehehe wag kang mag alala tutulungan kita jn sa nararamdaman mo ok!

    alm mo my pyo ako jan sa feeling mo ngayun. may mga pagkakataon tlg na minsan mararamdaman mo na bkit gnun? bkit sya gnun? diba! pero isipin mo, hindi nmn porke may tumawag na "BABY!" dun sa mahal mo eh, kelangan mo n agad n msaktan o malungkot! bakit di mo sya tnungin, pag usapan nyo! hayaan mo syang mgpaliwanag! pakinggan mo muna ung side nya. hindi ung bsta tyo mgdedesisyon ng dpat nting ipakita sa sitwasyong nangyayari! pinag aaralan muna ntin dpt lhat! malay mo pag nlmn mo ang totoo, eh hindi k pl dpat n nlulungkot, dapat pala eh nagtatatalon kana sa saya, kasi nlmn mo na ikaw at ikaw lng pala talag! diba!"ang kabiguan(sa pag ibig), eh hindi sinasamahan ng kalungkutan! SOLUTION ang kailangan!" mas masaya ksi sa knya mo tlg nlmn n mhl k nya, hindi sa mga taong nkpligid lng sayo gya nmin na echosera lng tlg...hahaha o kaya bkit di mo isigaw ang "PACOOO!!!" haha joke lng, wag bt pa tyo, secret lng dapat. haha pero pwede rin! haha wag ka n mlungkot jn ok! ganito nalng, may ipaparinig ako sayong isang kanta, kay celine dion. idol ko din kasi sya noon pa gaya ni ate sarah. celine: this song speaks about, loving someone so much that you are prepared to give up everything on earth for that person. its called "Pour Que Tu M'aimes Encore (para mahal mo parin ako)" http://www.youtube.com/watch?v=CttF4YjBraI&feature=related ok na ba? medyo gumaan n ba ang pakiramdam mo ngayun? oh sya ngiti na kung tlg! hehehe love you ate jenny... wg k ng mlulungkot ulet! God bless :)

    -melque-

    ReplyDelete
  51. basta ako team jenpac(jenny and paco) ako, real kasi pinapakita nyana feelings sa iyo jenny , si marga sumasakay lang yan sa kasikatan ni paco ,...wag kang mag alala love na love ka ni paco , wag ka nang mag emote,love ka ni paco yun lang lagi ang isipin mo , ha . . . POWER!!! -power of love

    ReplyDelete
  52. Jenny, its natural to feel that way, syempre wala pang formal na ilove you's kayo ni Paco sa isat-isa, pero yung mga actions nya, yung kagustuhan nyang makasama ka bukod sa rehearsal nyong dalawa, yung pagiging thoughtful nya at pagdalaw sa bahay nyo, lahat ng ito, nagsasabing special ka sa kanya, and most of all, "the way he looks at you" puno ng paghanga at pagmamahal, hindi madadaya yun...

    With regards to Jason, hindi ka naman dapat malito, natural lang na magaan ang feeling mo sa knya kasi he helped you nung nago-audtion ka pa lang, pero hindi mo ba napapansin, kapag nagkakasabay sila at kinakailngan mo ng pumili sa dalawa, you always choose Paco, kasi sya ang pinipili ng puso mo...

    Yung ke Paco at Marga showbiz lang yun, alam mo naman sa showbiz palalabasin na may something kahit wala naman... the fact na nagustuhan ka ni paco, it means wala pang nagmamay-ari ng puso nya until he met you.

    Go Jenny! Prove your love...Fight for what you feel.

    ReplyDelete
  53. fms friends :) im so proud of you!

    pagpatuloy nyo lang po yan, :) no bashing other artists :)hayaan nyo...lalo kayong pagpapalain ni Lord nyan :)

    @jenny, grabe talaga ang iyong charm jenny,
    napapareact talaga lahat hehe! sikat na sikat ka na, parang ung nararanasan mo parang kagaya na nung kamukha mo ah hehehe! kaya mo yan jenny...wag kang susuko! dont give up on ur dreams :)

    ReplyDelete
  54. alam mo Jenny, natural lng yang nararamdaman mo, it only goes to show na me feelings ka talaga kay Paco, bakit kamo? eh kasi kung wala kang feelings sa kanya hindi ka dapat affected nung tinawag syang "Baby" ni Marga di ba? Saka wag ka na mag-emote dyan, tignan mo maigi yung reaction ni Paco nung tinawag syang "Baby" ni Marga, natuwa ba sya? nag smile ba sya? hindi di ba, napatingin pa nga sya sayo, and he look's so concerned sa iyo, sa iisipin mo, sa magiging reaction mo, kaya don't jump to conclusion agad, pag-usapan nyo muna, kasi kung ako ang tatanungin, tingin ko ikaw talaga ang gusto ni Paco, sayo sya sumasaya, at sa kanya ka rin masaya kaya sa lagi ang pinipili mo, kasi sya ang gusto ng puso mo.

    ReplyDelete
  55. Pagsubok Lang yan Jenny ..love ka ni paco kc nakapaco na kayo sa isat ISA

    ReplyDelete
  56. ano bang meron si mark at may mga ganito? Sabi nila wala lang si mark, anino lang daw na laging nakasunod...alam naming hindi totoo yun pero okay lang , opinion ninyo iyon eh. Karapatan ninyong magsalita ng ayon sa gusto ninyo. Karapatan nating gustuhin ang sinuman, but we have to be responsible. We have to be sensitive to other people's feelings. Baka po kasi nakakaapak na tayo, hindi natin alam o baka sinasadyang mantapak lang.

    Wala namang ginagawang masama si mark, may isa man lang ba sa inyo na ginawan niya ng masama? Wala naman di ba? Kahit kay sarah, hindi niya ginagawan ng masama si sarah. For him, she is precious. Hindi niya niloloko si sarah at lalong hindi ginagamit para sumikat. Tahimik lang si mark, bakit ba galit na galit kayo sa kanya?

    sabi nyo nga, wala naman si mark, anino lang, eh bakit kayo galit na galit sa aninong tinatawag ninyo? eto kasi ang masama kapag insecurity gets in the way...

    Sana lang maging fair tayo, paano kung ikaw si mark...paano kung nasasaktan pala si sarah tuwing may sinasabi kayong masakit about mark? Sana hindi lang yung mga gusto natin ang ite-take into consideration natin. Hindi namin ipinagpipilitan si mark kung hindi man siya yung gusto ni sarah, KALIGAYAHAN NAMIN ITO EH, KANYA KANYANG TRIP KUMBAGA. Moment namin ito, you have yours, so please stop. We are trying to understand your thoughts, san ba nagmumula? Pero wala talaga kaming makita na ginawa si mark eh, nagmamahal lang yung tao.

    God bless us all!!! Fms...what a journey talaga

    JENPAC!!!

    ReplyDelete
  57. jenny, don't feel sad. si marga parang maldita lang talaga kaya ang tawag niya kay paco ay baby.mukhang sobrang happy si paco pag kasama ka at nakalimutan totally si marga.huwag mag pa intimidate kay marga feeling lang niya na sa kanya si paco.

    ReplyDelete
  58. hindi kasi pwede si jlc sa shampoo commercial...his hair is vanishing na kasi

    ReplyDelete
  59. marga...ok ang sagot mo! di ko pansin vanishing na pala..hahaha...

    hay kaloka...

    jenny, ok lang yun. Its obvious paco has feelings for you! kaya go Paco and jenny!

    ReplyDelete
  60. team jenny PACO ME KAYA MO YAN NDYAN LANG YAN C PACO PARA SAU JENNY BGAY TLAGA KAU DALAWA NI PACO. AYAHN MONA YAN SI MARGA TALO NA SAU YAN WALA YAN . jenny and paco 4ever kami.

    ReplyDelete
  61. jenny ;;;go go go. bagay talaga kau n paco. forever. na kau magkasama.

    ReplyDelete
  62. elow sa lahat dyan jenny and paco team.tama lang yan pinapakita nyo ang naramdaman sa isat isa. bagay talaga kau dalawa.

    ReplyDelete
  63. maya nlang ulet slip muna me ............sana paco bumalik kana sa abs-cbn.malungkot 2loy si jenny nammiz kna nia.

    ReplyDelete
  64. aheheh naku kahit nasa GMA naman si paco magkikita padn sila ni jenny aheeh

    ReplyDelete
  65. ako i'm proud to be na FMS kasi sa FMS nirerespeto namin lahat nang tao na karespirespito kahit nga di karesprespito nirerespito pa din kasi hirap na nag karama lumapit hahah kaya nga matibay ang fms eh dahil yan sa tibya nang friendship nina mark and sarah kaya sa mga ka FMS ko jan hayaan niyo yang mga nagkukunwari at manlalait may karma ding dadating sa mga yan .

    ReplyDelete
  66. jenny bkit la ka pa blog... namimiss na kita..

    ReplyDelete
  67. hahaha., natawa ako sa mga nag-aaway sa ibabaw.. ano ba kayo guys..? chillax...keep the good ambience...

    btw, jenny, pls paghusayin mo sila sa taas.. jowk,!

    ...basta nag comment lang ako upang sabihin na team jason ako... at para sa akin, xa lang ang love mo at si paco e crush mo lang... wala na pong kokontra (pls.) at isa pa mas gwapo, para sa akin, si jason... kung di pa sya ang ppliin ni jenny, akin na lang sya...pero kung matalo si paco...(no comment)

    ReplyDelete
  68. Paco forever! Di ba naman pangarap mo talaga Jenny na pasayahin yung malulungkot niyang mata?

    ReplyDelete