RSS
email

04 March 2010

My Best Dream Ever!

Medyo wala ako sa sarili ko ngayong araw na ito. Parang feeling ko buong araw e lutang lang ako kasi para akong nasa heaven. Na-try nyo na bang mapanaginipan yung crush nyo? O diba, parang ayaw mo nang magising. Hehe. Hindi naman pwede yun. Sa panaginip ko kasi, itong si Paco, naggigitara raw habang nagpipicnic daw kami sa may Circle. Natawa nga ako kasi parang di na uso ang picnic ngayon. Kinakantahan nya ako ng "We Belong". Ang ganda-ganda ng boses nya, tapos nagduet daw kami. Tapos lahat daw ng mga bulaklak sa paligid, nakikanta rin.

Pero teka, ito ang hindi ko kinaya. Dumating si Jason. May dala ring gitara at biglang kumanta ng "Abot Kamay". Natulala raw ako kasi napatitig lang ako sa kanya kasi ang lamig-lamig din ng boses niya. Lahat naman ng mga puno raw nag-sway-sway nung kumanta sya.

Tapos ang ending, parang umulit daw yung nangyari nung papunta ako sa audition. Sabi ni Jason, mas maganda raw yung kanta niya. Sabi naman ni Paco, mas maganda raw yung kanta niya. Tapos mamimili na ako, ang pinili ko...

Wala! Di ako nakapili kasi nagulantang ako sa tili ni Tanta. Akala ko nasusunog na ang karindirya namin o kaya gutom na naman si Buchoy, yun pala, dumalaw na naman si Banker! Pinapaalala yung bayad namin sa utang. Waaaahhh! Napressure ako bigla na ibigay ang best ko sa audition. Kelangan bongga talaga ako. Kaso, ano ngang kakantahin ko? Loooord! Patulong na po. Hindi pa rin ako maka-decide... Sana managinip uli ako tonight. Hehe.

Mwahugz (maiba naman hehe),
Jenny

21 comments:

  1. hahahah!!! jenny tlg....e di we belong!!!

    nagduet na nga kayo...hahah shaks picnic mode


    parang si sarah at baste pala kayo ni paco jenny LOL....

    hahaha we belong jenny....mas bagay yung kantang un sa mga may lovelife....

    we belong!!! kung gusto mo maging sikat na singer...dapat singer rin ang kapartner mo para instant loveteam kayo parang si sarah at si mark LOL...

    go for we belong!!

    ReplyDelete
  2. naku this it we belong ! !powervote fms!! <3

    ReplyDelete
  3. ahahahaha, ayaw ko ng mag suggest mukhang kahit ano i vote ko may isa pa ring masusunod hehehehe. Good luck Paco and Jayson! Kung sino man ang piliin ni Jenny, wish you all the best. Paco balita ko lilipat ka daw ng ibang station kaya siguro producer mo ilalaglag ka na wahhh hahahaha, bahala na si batman. Suporta pa rin ako saiyo Paco. Good Luck Jenny, hope kung sino ang piliin mo , it's worth it.

    ReplyDelete
  4. paco and jenny kayo ang para sa isat isa..........

    ReplyDelete
  5. jenny jenny... malapit na ang auditions.. di ka pa rin nakakaisip... hahaha...

    suggestion : we belong na lang.. hahaha...

    ReplyDelete
  6. WE BELONG!!! Duet na!!! more Paco-Jenny scenes!!!

    ReplyDelete
  7. malapit na ang moment of truth,
    sa sunday na!
    ano kayang kakantahin ni jenny?
    excited na ako!

    ReplyDelete
  8. sana we belong ang kakantahin mo jenny.

    ReplyDelete
  9. nakakakilig namaaan! sana poh abot kamay! ang gwapo kaya poh ni jason! jenny, kay jason ka na lang ha! kinilig naman ako dito!

    ReplyDelete
  10. WE BELONG nlng .. (:
    go FPJ CX

    ReplyDelete
  11. sana po abot kamay...
    at isa pa mas gwapo si jason kaysa kay paco kaya sana mas piliin ni jenny ang suggestion ng mas gwapo na si jason...
    powervote B. abot kamay...

    ReplyDelete
  12. bano naman umarte ni jason. iisa expression. parang tabla.

    ReplyDelete
  13. jenny, choose we belong bagay sa voice mo ang english song. walang tatalo sa looks at boses ni paco. ang lakas ng appeal.

    ReplyDelete
  14. POWERVOTE to we belong...kahit c ate SARS ... yan ang pipiliin kc choice ni PACO...woooh!

    >wag sanang mgtransfer c mark b...sooo sayang talaga...!kung sino mang nakakaalam ng no ni mark b..pls..txan nyo xa..let him enlighten..walang mangyayari sa kanya sa GMA!

    ReplyDelete
  15. Sana We belong kantahin mo Jenny.. Masarap sa feeling pagbigyan ang hiling ng mahal mo lalo na kung kaya mo naman gawin.. Mapapasaya mo si Paco kung We belong kakantahin mo.

    ReplyDelete
  16. wawawwawwwa sooo excited na sana...

    hope she sings we belong with paco

    power..go go go go jenny-paco;)

    ReplyDelete
  17. YES WE BELONG ANG KINANTA NYA...WOOOHOOOO!!!!!

    MORE MORE EXCITED FOR PACO-JENNY SCENES!!! MORE SUNSILK PLS..KILIG EVER!!!!!THANKS!!!

    ReplyDelete
  18. naks nman next week date nila ni paco-jenny! hahahaha...

    ReplyDelete
  19. abot kamay ang kantahin mo ..kasi mas maganda yun at gusto ni paco yun:)) si paco lang nararapat sayu..pwomise:)

    ReplyDelete
  20. WE BELONG!!!! WE BELONG!!!! WRAAAWWWRRR!!!! WE BELONG!!! Jenny yan lang kantahin mo!!! XD

    ReplyDelete
  21. YES..we belong kinanta nya...wahehehheh...Kilig Ever

    ReplyDelete