RSS
email

13 February 2010

Meet my brother Butchoy!


Hello to everyone reading my blog!

I’m proud to present to you my one and only kapatid na si Butchoy! Ang tabatsingtsing niya noh? Kahit ano kasing ihain mo sa kanya kakainin niya ng bonggang bongga. Ok nga sana siyang maging taste tester naming sa tuwing makakaimbento ng bagong main dish sina Ninang Erica at Tanta. Kaya lang ang problema lahat masarap sa kanya. Hahaha. Advantage naman sa akin yun lalo na nung nag-uumpisa pa lang ako matuto magluto kasi siya ang umuubos lahat ng gawa ko. Ika nga ni Ninang Erica, wala daw tapon pagdating kay bunso. Hahaha!

Pero wag ka. Mahal na mahal ko ‘yan! Bukod kay Ninang Erica, siya na lang kasi ang tanging pamilya ko dito sa mundo. Miss na miss ko na nga sila tatay at nanay e. Kasama na kasi nila ngayon si Bro. Pero alam ko na lagi silang nakabantay sa amin ni Butchoy. So hindi ako dapat mag-worry ‘di ba? Sana lang talaga matupad ko yung promise ko sa kanila na maalagaan si bunso ng husto. Gagawin ko talaga ang lahat lahat para sa kanya. Gusto ko magkaroon siya ng magandang future. At higit sa lahat hindi ko hahayaan na mangayayat siya! Kundi lagot ako kay Nanay at Tatay. Hehe.

Hay…Bigla ko tuloy gusting makipag-bonding sa kanya ngayon. Lagi na lang kasi akong busy sa restaurant. So mamaya na lang ulit ha?

XOXO,

Jenny




5 comments:

  1. ang cute naman ni butchoy! power! :)

    ReplyDelete
  2. aNG CUTE nmn ni butchoy!kht mataba xea gwapo xea magkasing taba sila ng coucin q...

    ReplyDelete
  3. sisikat si butchoy kasi kyut! anak pala sya ni lito camo.. nice one!

    follow ko nga tong blog na to. hehe!

    ReplyDelete
  4. i like this series, it's funny and entertaining
    and looking for forward for the series to follow.

    ReplyDelete
  5. hehehe...uu nga lagot ka talaga sa nanay mo at tatay mo pag pumayat yan...mawawala ung cuteness niya..^_^

    ReplyDelete