RSS
email

14 February 2010

Trouble with the Banker!


Php100,000! Saang lupalop ako makakahanap ng ganong kalaking halaga within 10 days? Halos himatayin ako kanina sa takot at kaba nang biglang dumating si Banker para singilin ang loan na kinuha ni Tatay noong nabubuhay pa siya. Pero napunta lang lahat yun sa pagpapagamot niya kaya hindi natuloy ang plano sana naming palaguin ang aming business. Ano ng gagawin ko ngayon? Yung kita pa nga lang ng Ang Sarahhhp Dito kulang pa sa pang-araw-araw naming gastusin. Php100,000 pa kaya?

Pero true nga ang sabi nila na when a door closes, God opens a window. So power talaga! Bigla kasing naaksidente ang pop diva na si Marga sa kalagitnaan ng concert promo nila ni Paco, my love! Pero take note, hindi naman sa ginusto kong may masamang mangyari sa kanya. Idol na idol ko nga ‘yan si Marga ‘di ba? Ibinalita kasi sa TV na magkakaroon ng isang Search for The Next Singing Superstar na papalit kay Marga bilang partner ni Paco!!! OMG! Isa na itong once in a lifetime opportunity para makita ko siya in the flesh. And more importantly mabayaran ko ang utang namin kay Banker. Php100,000 din kasi ang prize para sa grand champion!!!

Ito lang naman ang criteria na hinahanap nila para maging qualified contestant:


1. Boses na pang-diva (Obvious na obvious na pasok ako diyan so check!)
2. Katawan na pang-artista (Look at my figure! Sexy ko naman ‘di ba?)
3. Buhok na iwas-disgrasya (Patay na!)

Alam ko namang sasablay ako pagdating diyan sa Criteria No. 3! Hindi pa nga ako over dun sa panunukso sa akin na Sadako ng mga bata dito sa amin. Huhuhu. Okay, aaminin ko na! Kasalanan ko naman talaga na kung anu-anong experiment ginawa ko sa buhok ko kaya damaged na siya ngayon. Kaartehan ko rin kasi dati. Pinakulot ko, pina-straight, pinakulayan... Ay naku talaga!!!

But then nakahanap na ng solusyon si Ninang Erica at Tanta with New Sunsilk Damaged Hair Reconstruction System. In just 10 days pwede na akong maging star dahil siguradong lalambot at kikintab ang hair ko! Ito na nga ngayon ang shampoo na gamit ko. Baka sakaling effective, solve pa lahat ng problema ko! Power! Power! Power!

Umabot naman kaya ako sa audition ng Search for the Next Singing Sensation?

I SUPER NEED YOUR HELP!





8 comments:

  1. Kaya mo yan jenny! fighting! power! :)

    ReplyDelete
  2. oo nga.. kayang kaya mo yan.. pakiakyat na lang ung pader para makahabol ka, para malabas na din ung susunod na commercial.. ang ganda ng pagkakagawa ae.. very creative.. mor power sunsilk.. ^___________^

    ReplyDelete
  3. guys bili tayo ng sunsilk para makaboto tayo.. kahit na lalaki i think mapapabili ako tapos papagamit ko na lang sa mga kapatid ko dito.. hehe! :)
    letter B ha! ahaha!

    ReplyDelete
  4. kya mo yan jenny!...
    go!go!go!
    kya mong akyatin ang pader....

    ReplyDelete
  5. gog gogogogoo....

    ReplyDelete
  6. uie baka masira ang beauty ni jenny pag pinili niya ung 2nd choices...ung 1st nLang sa halip na magmakaawa pakitaan nLang niya nang galing niya sa pagkanta..hehehe

    ReplyDelete
  7. Letter A ang gusto q..... gusto qng makakita ka nang multo..... para exciting....hehehehe(+_+)

    ReplyDelete
  8. grabe nmn po yun oh ang galing talaga ni jenny gagawin ang lahat para matupad yung dream nya kaya lang nawindang ng makita ang ultimate loves nya si paco hehehehe!!!!!!!!!!!!! i can wait to see the moments of paco and jenny sigurado super duper kilig hehehehe!!!!!!!!!

    ReplyDelete