RSS
email

14 April 2010

Jason will love me until the last rose dies...


Friends, mugtong-mugto ang mga mata ko ngayon. Iyak ako nang iyak kagabi pa. Kasi hindi ko na naiintindihan ang sarili ko... Hindi ko na talaga naiintindihan ang nararamdaman ko... Totoo pala yung kantang "Sana Dalawa Ang Puso Ko". Sana pwedeng pareho ko silang piliin, para walang masasaktan... Para pareho silang masaya...

Kahapon, sinabi ko sa inyo kung gaano ko kagusto si Paco... Pero hindi kaya nabubulag lang ako dahil siya si Paco Figueroa? Dahil matagal ko na siyang pinapangarap? Hindi kaya masyado lang akong nadadala ng nararamdaman ko na finally, eto na't gusto na rin niya ako? Natatakot ako friends kasi hindi nawawala ang duda ko kay Paco... What if iwanan niya ako? What if balikan niya si Marga? What if in the end, ibang babae na ang gusto niya? E ang gwapo niya, sikat pa siya... So kahit sinong babeng magustuhan niya, madali niyang makukuha... Ganito na ba kababa ang tingin ko sa sarili ko na hindi ako deserving sa kanya? He's Mr. Perfect after all, but is he Mr. Right?

Hindi ko kasi alam kung bakit hindi nawawala sa isip ko at sa puso ko si Jason. Wala lahat nang ito kung wala si Jason. Hindi ako magiging si Jenny Raymundo kung hindi niya ako ininspire na magbago. Siya ang tumulong sakin at umangat sa akin nung hindi pa ako ang Jenny Raymundo na kilala niyo ngayon. Hindi nakita ni Paco ang insecure, ang panget, ang walang tiwala sa sarili na Jenny. Pero si Jason, nakita niya lahat nang ito, at tinanggap niya... Kung nakita kaya ni Paco ang dating ako, tatanggapin pa rin kaya niya ako?

Perfect nga si Paco pero hindi kaya si Jason ang right for me? Pag pinagdududahan ko ang sarili ko, sa kanya ako humuhugot ng lakas. Sobra rin akong natatouch at natutuwa na close na close sila ni Buchoy. Hindi man siya sikat, hindi man siya bida, pero parati lang siyang nandyan na naghihintay... Napatunayan niya what true love really means, and maybe it means having to wait for the one you love, and fight for her no matter what it takes. At wala siyang takot na lumaban kay Paco, mapatunayan lang sakin na mahal din niya ako.

Nainis nga ako nung una nang narinig ko ang "I will love you until the last rose dies." Akala ko eeffort ako buong buhay ko ng kadidilig ng bulaklak na bigay niya, wag lang malanta. Pero nagulat ako nang nakita ko na glass rose pala yun... Hindi namamatay... Forever na nandyan... Parang ang pag-ibig na handa niyang ibigay... Naluluha ako iniisip ko pa lang ang isang future with Jason na alam kong aalagaan ako at paulit-ulit na magpapaalala sakin na dapat mahalin ko ang sarili ko dahil kung hindi ko mamahalin ang sarili ko, pano pa ako mamahalin ng iba?

Hawak-hawak ko pa rin ngayon ang glass rose na bigay ni Jason... Parang mas simple at mas masaya ang lahat kung siya na lang ang pipiliin ko... Pero tama ba ang magiging desisyon ko? Litong-lito na ako. Ayan tuloy, tumutulo na naman ang luha ko... Ano bang gagawin ko? Gusto niyo ba si Jason para sakin? Ano ba ang lamang ni Paco sa kanya? Ano rin naman ang lamang niya kay Paco?

Pero in the end, sana isipin niyo po friends, sino ba sa kanilang dalawa ang tama para sakin? Kung kayo si Jenny at kayo ang babaeng mamimili sa dalawang lalakeng ito, sino ang pipiliin ninyo?

Pasensya na kayo sa kabaliwan ko lately ha, pero sana naiintindihan niyo.

Maraming salamat friends,
Jenny

13 April 2010

Si Paco ba ang pipiliin ko?


Guys, dizizit. This is really is it! Lokang-loka na ako. Hindi ko ever inimagine sa buong buhay ko na ang isang taong katulad ni Paco Figueroa ay magkakagusta sa isang hamak na Jenny Raymundo. Dati-rati, sa TV ko lang sya nakikita. Kunwari nag-duduet kami. Halos mahimatay ako tuwing lumalabas sya sa TV. Alam nyo ba, bumibili pa ako ng mga magazines nun pag sya ang laman tapos ginugupit ko tapos kinikiss ko bago matulog. Yikes, nahihiya ako na kinukwento ko sa inyo pero kasi diba friends ko na rin naman kayo kaya sineshare ko na rin.

Ang taas-taas ng tingin ko nun kay Paco! Para syang isang star, tapos ako parang floor wax. Ang labo no? Hahaha. Ang lakas kasi ng amoy ng floor wax dito sa canteen namin hehe. Kaya nung nag-audition ako, at nagustuhan nya ang boses ko, ang laking bagay nun sakin. Biruin mo, ang lalakeng pinapanga-pangarap mo lang, iniimagine mo lang at winiwish na sana maging boyfriend mo someday, ngayon e nanliligaw na sayo? WAAAAAAH LORD! IS THIS TRUE? Totoo po ba talaga to? Gisingin nyo na po ako please kung panaginip lang lahat ng to.

Pero ang masasabi ko lang, ang sarap-sarap ng feeling. Ang laki talaga ng nag-iba sa buhay ko ngayon. Ang dami nang nagbago. Ang haba-haba na ng hair ko. Malaking factor si Paco sa pagbabago na nararamdaman ko ngayon. Masasabi ko na talagang hair is my moment!

So dahil moment ko na nga to, si Paco nga ba ang pipiliin ko? Bagay ba talaga kami? Nung sinabi niya na "There are a lot of women in the world, but you're the only one I see", gusto ko nang tumambling nun sa totoo lang. Pero ramdam ko kasi na totoo yung sinabi niya... At kung ako rin naman ang tatanungin, gusto ko rin talaga si Paco. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang napakagwapo na, napakagaling pa at napakabait pang tao? Parang perfect na sya! I don't even know if deserving ba ako sa kanya.

Kayo na lang ang magdesisyon para sakin please. Litong-lito na ako. Feeling ko macocomatose na ko bukas sa pagkahilo ko at pagkalito. Gusto nyo bang makatuluyan ko si Paco? Bakit? Ano ang lamang ni Paco kay Jason? Bakit sya dapat ang piliin ko over Jason? Patulong naman please. Sagot naman po kayo.

Nalilito,
Jenny

P.S. Nakita ko lang sa internet tong picture namin ni Paco galing kay Kendahl Idea. Maraming salamat ha. Sana po okay lang na ginamit ko. Kinilig kasi ako e. :)

10 April 2010

Kinakabahan nako sa showdown!

Friends, naiiyak naman ako sa ginawa ni Marga. Pasensya na sa pinost niya ha. Di ko namalayan kasi nakabukas pala yung blog ko nung rehearsal at nagtype na lang sya bigla sa computer ko. Sorry talaga. :(

Lalo tuloy akong nahamon sa showdown. Pero bukas na yun... Sana naman kahit papano makalaban ako. Si Marga yun e! Pero syempre, sa dami ng natutunan ko lately sa mga rehearsal ko, at syempre dahil ayoko naman mapahiya ako sa harapan ni Papa Paco, gagawin ko ang best ko para matalo ko sya sa showdown.

Pag-pray nyo ako friends ha. Ngayon ko kelangan talaga ng support ninyo.

Wish me luck!
Jenny

09 April 2010

JENNY WILL NEVER BE A STAR!

Eeeeew talaga! This Jenny Raymundo is so ambisyosa. And she's so tanga. Imagine, we're in the middle of the rehearsal and she left her blog open. HAHAHAHA. So tanga talaga! I can't believe she actually agreed to a showdown with me. What does she think of herself? Sino ba sya? Come on, she just started out as this poor little cook in this carinderia. Eeeeew. She will never become a star like me!

Besides, there's no doubt that I'm so much more beautiful than her. I'm hotter. I'm more gorgeous! I can even wear sexier outfits. Jenny can't do that mwahahahaha! And what does she think? Shecould just come here and take everything away from me? No I won't give her everything that used to be mine! Lalo na my baby Paco... Come on guys, Paco doesn't really like her. It's me who Paco really wants. I will make sure that there will be no Paco and Jenny!

Gosh I really hate this Jenny! Patay talaga sya, I will even make buhos more orange juice to her face next time! I'm gonna make her suffer in our showdown! I'll make sure she cries and regrets that she went against me! I will make her lose the showdown!

MWAHAHAHAHAHA!

06 April 2010

Aymishyuuuu!

Waaaaaaaaah! Namiss ko kayong lahat. :( Super sorry kung matagal-tagal akong di nakapag-post ha. Syempre tao lang naman ako, nagbabakasyon din. Galing kasi akong probinsya namin sa Cebu. Ang sarap-sarap sa Cebu. Kain tuloy ako nang kain ngayon ng dried mangoes. Hehe. Gusto nyo?

Sorry ha, di ako makapag-post dun kasi wala naman akong laptop. Haha. Pero grabe, ganun pala ang feeling. Andami nang may kilala sakin dun. May nagpa-picture na nga e. Di ko kinayaaaa! Never in my life ko inimagine na hahantong ako rito. Artista na ba ako? Hihihi.

Hosya, pramis magpopost ako parati this week kasi na-miss ko kayong lahat sobra. Kamusta holy week nyo? San kayo nagbakasyon? Kwentuhan nyo naman ako para di boring habang nagrerehearsal ako.

Labyu guys,
Jenny

25 March 2010

Anung gagawin ko kay Marga?

Naramdaman nyo bang lahat yung earthquake kanina? Ka-meeting ko yung mga producers kanina ng concert kasama si Jason nang bigla na lang nahilo-hilo ako. Akala ko gutom lang ako kasi medyo diet ako ngayon. Yun pala, lindol na pala! Sana lahat kayo safe ha. Pag-pray natin na wag na ulit lumindol.

Speaking of lindol, alam nyo, natense talaga ako nung sumugod sakin tong si Marga. Hindi ko naman sya inaaway. Sa totoo nga lang, gustong-gusto ko pa nga sya before at idol ko rin talaga sya. Yun pala, parang monster sya in person. Akala ko nga aatakehin ako at kakagatin ako e. Hihi.

Hindi naman po talaga ako palaaway na tao. Sa totoo nga lang, nung bata ako, kahit binubully nako at inaaway na ako ng mga classmates ko, hindi talaga ako gumaganti kasi good girl talaga ako. Pero itong si Marga, grabe talaga. Warfreak! May mga friends din ba kayo o classmates na warfreak? Sa totoo lang naaawa ako sa kanila... kasi wala silang friends. At least tayong mga mababait, punong-puno ng love and friendship diba?

Pero parang natetempt akong sabunutan sya kaso baka bad yun. Pag sinigawan ko naman kasi sya, baka naman mamalat pa ako at masira pa boses ko. Ayoko ngang aksayahin at sirain ang lalamunan ko para lang awayin siya. Kung kayo nasa kalagayan ko at sobra kayong inaway, gaganti ba kayo? Sisigawan nyo ba o sasabunutan?

Peace and love,
Jenny

24 March 2010

:'(

Pasensya na kayo kung hindi ako nakaka-post lately ha. Medyo ang sakit lang kasi talaga ng pinagdadaanan ko lately. :( Akala ko kasi okay kami ni Paco. Ilang beses pa ngang sya ang pinipili ko e. Nung tinanong ako kung anong gusto kong kantahin sa audition, pinili ko ang We Belong kasi kanta ko yun para sa kanya e. Nung inalok ako ni Jason ng kape at inalok nya ako ng tsaa, kahit alam kong masakit para kay Jason, pinili ko pa rin ang tsaa.

Pero bakit naman ganun, Lord? Lahat ng kasiyahan kong ito. Lahat ng mga kilig moments ko, ibig sabihin hindi ba totoo? Nagulat na lang ako nang bumalik si Marga. Tinawag pa nya si Paco na baby. E sabi ko sa sarili ko nun, kung magkakaboyfriend ako, gusto ko ang tawagan namin e parang "bebe ko", parang tawagan ni Laida at ni Miggy sa You Changed My Life.

Sorry kung medyo malungkot ang post ko ha. Kasi parang ngayon, ang baba-baba na ng loob ko. Kasi bumalik na si Marga. Siya naman ang tunay na star e. Siya naman talaga ang tunay na diva. So ngayon na nagbabalik na siya, baka di na ako kelangan ni Paco.

Pagpasensyahan nyo na ako ha. Buti na lang si Jason andyan pa rin ngayon at ineencourage ako that I'm more deserving than Marga. Totoo kaya yung sinasabi niya? Magugustuhan pa rin kaya ako ni Paco?

Ewan ko friends, litong-lito na talaga ako. Baka naman masagot nyo ang mga bumabagabag sa isip ko.

Nakangiti pa rin kahit sad,
Jenny

18 March 2010

Tea or Coffee?

Uy friends nalulurkey nako! Ako ba ay magtsatsaa o magkakape? Sa totoo lang naman, hindi kasi ako talaga masyadong umiinom ng tsaa. Kasi di naman kami sosyal. Sa carinderia namin, masaya na talaga kami sa kape. Pero dahil litong-lito nako, nag-research ako sa internet kung okay ba talaga ang tea.

Ayon sa na-research ko, ito raw ang mga benefit ng pag-inom ng tsaa:

1. Ang tsaa raw ay may antioxidants. Parang nililinis daw nito ang katawan mo! Ambongga naman!
2. Mas konti raw ang caffeine nito kumpara sa kape. Kasi nga naman paminsan talaga ang caffeine e nakakatensyon.
3. Tea reduces the risk of heart attack and stroke. Winner naman to! Ayoko nga atakihin sa puso. Ayoko rin naman ma-stroke no.
4. Proteksyon daw ang tea laban sa cancer. Power naman pala talaga ang tea! Ultimong cancer pwedeng labanan! Go go go fight cancer!
5. Wala raw calories ang tea! O diba, pampasexy pala! Pero syempre raw pag hinaluan mo ng gatas, may calories na. Pero kung tsaa lang, hindi raw ito nakakataba. Winner!!!

Naku teka, parang nako-convince na akong mag-tsaa. Kaya naman pala parating gwapo itong si Paco. Tsaa naman pala ang sikreto niya. Hihi.

Pero wait, waaaaah, nababaliw nako! Sobra kasi akong na-touch talaga nang makita kong inantay ako ni Jason. At in fairness naman, nakipaglaro pa sya kay Buchoy. Sino ba naman ang hindi mababaitan at kikiligin din sa ganung klaseng lalake diba? Waaaaaaah! At dahil dyan, may nag-text...

Meron din naman daw palang benefits ang pag-inom ng kape!

1. Reduced risk daw ng Alzheimer's! Naku in fairness, e ayoko pa man ding makalimot no o kaya maging ulyanin.
2. Meron din daw itong anti-oxidants. Ay, pareho pala sa tsaa. Meron din sa kape!
3. Increased daw ang cognitive ability mo. Syempre di ko gets nung una kung ano ibig sabihin ng cognitive ability. Ibig sabihin pala nito, pampatalino raw ito! Ay parang gusto ko to! Hihi.
4. Haha, nakakatawa tong pang-apat. Bowel stimulation. Naku ibig sabihin lang niyan, mas madaling dumumi. Hahaha, natawa naman talaga ako rito.
5. Reduced risk for gout. Yay naku. Ayoko magka-gout. Ang sakit kaya ng gout. May friend akong may gout hindi sya makalakad pag inaatake sya. Wawa naman...

So ayun nga, tulungan niyo naman ako ulit. Hindi ko na naman alam kung ano ang pipiliin ko. :( Parati na lang akong naguguluhan at hindi makapag-desisyon. Tulungan niyo po ako ha...

Tenkyuberimats!
Jenny

Thank you :)

Uy salamat sa mga nagpost sa inyo ng most embarrassing moment ha. Na-touch naman ako. Hindi pala ako nag-iisa. Sa mga nabasa ko, yung most embarrassing moment ng isang anonymous poster ako natuwa. Ito ang pinost nya o:


"One of my embarrassing moment is with Sarah Geronimo.. hehe.. kilala mo sya for sure.. Super sikat nung batang yun eh. :)

first time ko syang nakaharap eh, gusto ko syang icongratulate at i-express ko yung pag idol ko sa kanya. Unfortunately, nagparty ata yung mga daga sa dibdib ko. Nung kaharap ko na si Sarah at sasabihin ko yung prinactice kong sabihin, napa-chineese ako... hahaha.. kinain ko lahat ng salita.. Bumubuka bibig ko, pero di maintindihan ang sinasabi ko.. haha.. Yung mukha tuloy ni Sarah, di maidescribe, kasi wala syang maintindihan pero need nyang mag-smile sa akin of course.. haha.. Embarrassing na, funny moment pa.. haha.."


Naku, I could just imagine kung gaano ito nakakahiya. Ako rin! Idol ko rin si Sarah e. :) Wish ko nga one day makilala ko rin sya.

Pasensya na nga pala kung hindi ako nakakapag-post ngayon. Kasi naman, super busy kami nila Paco at Jason sa mga rehearsals ko. Syempre diba, ginagawa ko ang best ko para maging kasing-galing ko ang idol kong si Sarah. Sana maging mahusay rin akong kumanta at sumayaw at the same time. :)

Uy sige na po, mauuna na po ako. Tinatawag na uli nila ako para sa rehearsal. Sumaglit lang ako para mag-hi sa inyong lahat.

Lablots!
Jenny

14 March 2010

What is your most embarrassing moment?

Teka hindi ako maka-get-oveeer! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako naliligo kasi gusto kumapit sakin yung amoy ng pabango ni Paco. Ayokong mawala. Hahahaha. O yan ah, sinunod ko ang advice ninyo. Nakipag-date ako kay Paco. Thank you talaga sa mga sagot nyo ha. Na-enlighten talaga ako.

Waaaaaah kinikilig ako. Pero tuwing kinikilig ako at naaalala ko yung nangyari sakin bago kami mag-date, namumula ako sa hiya sobraaaa! Pano ba naman kasi, nung yayain niya ako, nahulog ako sa silya ko! Sino ba namang hindi malalaglag sa upuan pag tanungin ni Paco ng ganun diba? So siguro naiintindihan nyo naman ang naging reaction ko? Hehe. Tandang-tanda ko pa nung Grade 4 ako, pag nagsa-sign ako ng autograph na "what's your embarrassing moment?", ang sagot ko parati: nung kumanta ako sa barangay singing contest namin tapos nakalimutan ko yung lyrics! Hiyang-hiya talaga ako nun.

Pero ngayon, wala ng tatalo sa most embarrassing moment ko na to. Biruin mo, sa harapan ni Paco! Sana nilamon na lang ako ng lupa kesa nakita ni Paco! Waaaaah! Anyway, pagaanin nyo naman guys ang loob ko. Mag-share naman kayo. Anung most embarrassing moment ninyo? Walang magdedeny ha. Tayo-tayo lang naman to. Hihi. :)

O post na kayo ng mga kwento nyo sakin ng pinaka-nakakahiyang nangyari sa inyo ha. Pag natawa ako sa sagot ninyo, ipopost ko rin dito sa blog ko. :) Hihintayin ko sagot nyo!

Flying kiss mwaaaah,
Jenny

11 March 2010

Sundance dati, Raindance na ngayon!

Namalengke kami kaninang umaga, kasama ko si Ninang Erica at si Buchoy, ang pinaka-cute na bata sa whole wide world! Napapansin nyo ba? Ang init-init lately no? As in sobrang iniiiit.

Dati-rati, pag nakabilad ako sa araw na parang palayan, ganito ang nagiging hitsura ko (tignan nyo yung picture sa kaliwa). Pero simula nung gumamit ako ng Sunsilk, in fairness ha, hindi na ganyan kachaka ang buhok ko. Hehehe.

Nakakasira talaga ng buhok ang super init ng araw. Kasi naman e, dati-rati nung panahon ng Ondoy at ulan-ulan, wala akong ginawa kundi gayahin si Laida Magtalas. Hihi. Idol ko yun e. Kaya sundance ako nun nang sundance. Ngayon naman, may bago akong natutunan. Raindance naman! Para lang syang sundance pero imbes na pataas yung buka ng daliri mo, pababa dapat para bumuhos yung rain.

Nanonood kasi ako ng TV Patrol at wawa naman yung mga magsasaka natin dahil sobrang tagtuyot. Kaya lahat tayo, let's pray for rain ha? Raindance tayong lahat sabay-sabay. :)

10 March 2010

Thank you Jason! :)

Haaaayyyy. Pagod na pagod ako galing sa rehearsal namin ni Paco. Syempre, as usual, kilig na kilig ako nung kasama ko siya. Andun nga si Jason kanina e. As usual, full support sya sakin habang nagpa-practice ako. Na-realize ko kanina, mas gumagaling ako at mas nagiging confident ako pag nakikita ko si Jason.

Kasi iniisip ko, wala lahat nang to kung hindi ako inencourage ni Jason. Nung maluha-luha ako sa stage kasi nagtakbuhan lahat at pinagkamalan akong multo, si Jason ang andun at nakarinig ng boses ko... Siya ang unang nagsabing "you have the most beautiful voice I have ever heard". Di ko talaga makakalimutan yun. At ang hindi ko makakalimutan, e nung lumabas kami after ko matanggap sa audition.

Nilibre niya nga ako nun ng dinner e. Hehe. Alam nyo, parang ang perfect ni Jason. Napakabait niya, napaka-sincere... Lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalake, nasa kanya na. At in fairness ha, naku aminin naman natin na may kagwapuhan talaga siya. Nagtataka nga ako kung bakit wala siyang girlfriend e. Pero sabi niya sakin, he's waiting for the right woman to come. Naku, sana lahat ng lalake tulad niya no? Hindi sana tayong umiiyak na mga girls.

Ang sweet pa niya. Kasi kilala niya yung may ari ng restaurant. Alam nyo ba kung ano ginawa nya? Pumasok siya sa loob ng kitchen at ang tagal-tagal kong nag-antay sa labas. Naiinip na nga ako e. Pero nung lumabas siya, ito ang dala-dala niya:


Ang sweet ni Jason, diba? Tawa nga siya nang tawa kasi di ko mapronounce nang mabuti yung pangalan nito. Basta bacon and cheese stuffed chicken ata. Hihi. Pasensya na po ha. Di kasi ganyan ka-sosyal ang pagkain sa restaurant namin. Siopao at siomai lang masaya na mga tao run. Hehe.

Basta Jason, salamat sa lahat... Ni hindi ako magkakalakas ng loob na mag-audition kundi dahil sayo... :)

08 March 2010

Before and After

Uy salamat sa mga comments nyo ha. Sige, pag-iisipan kong mabuti yang mga sinabi niyo. Pero sige, ipagpalagay nating makikipag-date nga ako talaga kay Paco, syempre gusto ko naman na beauty ako diba? Kasi tignan nyo naman kung gaano ako kaganda dati:


O diba? Naku may lumapit nga sakin once na talent manager daw sa mall, tinatanong kung pwede raw akong gumanap na white lady para sa isang horror movie. Aray. Ang sakit-sakit naman. Kaya siguro walang nagkakagusto sakin dati. Ikumpara nga natin sa hitsura ko ngayon. Hihi.



May improvement naman diba? Kaya siguro finally e niyayaya na ako ni Paco makipag-date. Siguro kung nakita niya ako dati, kakaripas yun ng takbo. Uy walang biro, nung gumamit ako ng Sunsilk, gumanda talaga nang ganyan ang buhok ko... Sabi nga ni Jason, paganda raw ako nang paganda. Binobola lang ata niya ako eh. Nanonood kami ni Buchoy ng Oscars kanina. Pinagalitan ko nga siya e! Akala ko sabi niya mukha akong nabubulok. Yun pala, kamukha ko raw si Sandra Bullock. Ayiiii!

Eeeehhh... para kasing ayokong maniwala sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Kayo nga, judge me. Haha, parang autograph lang. Gumaganda ba talaga ako? O baka ilusyonada lang ako ngayon? Hehe. 


Powerhug!
Jenny

07 March 2010

Hay Paco... We belong talaga...

Waaaaahhhh! Thank you talaga bro! Di ko inisip na matatanggap ako sa audition. Sabi na nga ba e tama ang desisyon na kantahin ang We Belong! E simula pa lang, favorite ko na yan dahil sa one and only crush ko na si Paco.

Ang gwapo nya talaga no? Mukha syang member ng F4. Parang feeling ko ako si Shan Cai (tama ba spelling ko?). At syempre, siya naman si Dao Ming Si. Diba kamukha nya?

Grabe hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kanina. Kumusta naman kasing naka-duet ko sya sa wakas? Imagine na lang, dati-rati, TV lang ang ka-duet ko at mukha akong tanga sa kusina. Ngayon, siya na! Siyang-siya! Walang biro! As in kinukurot ko yung sarili ko kanina kasi baka nananaginip na naman ako. But noooo, hindi. Si Paco talaga ang kaharap ko! Kinurot ko nga rin siya e. Sabi niya, "aray!" So hindi nga talaga ako nananaginip! At san ka pa? Tanungin ba naman ako kung pwede raw ba kaming lumabas?

Hindi ko na to kinakayaaaa! Ang haba ng hair ko. Hay Paco... Teka may tanong ako. Kasi syempre parang nakakahiya naman kasi alam nyo na, dalagang Pilipina ako. Hihi. Tanong ko lang, okay lang bang lumabas kami ni Paco? Hindi ba nakakahiya yun kasi kakikilala lang namin? Ano sa palagay nyo? Nasa-shy kasi ako e. Hehe. Penge ng advice nyo ha.

Lovelots,
Jenny


04 March 2010

My Best Dream Ever!

Medyo wala ako sa sarili ko ngayong araw na ito. Parang feeling ko buong araw e lutang lang ako kasi para akong nasa heaven. Na-try nyo na bang mapanaginipan yung crush nyo? O diba, parang ayaw mo nang magising. Hehe. Hindi naman pwede yun. Sa panaginip ko kasi, itong si Paco, naggigitara raw habang nagpipicnic daw kami sa may Circle. Natawa nga ako kasi parang di na uso ang picnic ngayon. Kinakantahan nya ako ng "We Belong". Ang ganda-ganda ng boses nya, tapos nagduet daw kami. Tapos lahat daw ng mga bulaklak sa paligid, nakikanta rin.

Pero teka, ito ang hindi ko kinaya. Dumating si Jason. May dala ring gitara at biglang kumanta ng "Abot Kamay". Natulala raw ako kasi napatitig lang ako sa kanya kasi ang lamig-lamig din ng boses niya. Lahat naman ng mga puno raw nag-sway-sway nung kumanta sya.

Tapos ang ending, parang umulit daw yung nangyari nung papunta ako sa audition. Sabi ni Jason, mas maganda raw yung kanta niya. Sabi naman ni Paco, mas maganda raw yung kanta niya. Tapos mamimili na ako, ang pinili ko...

Wala! Di ako nakapili kasi nagulantang ako sa tili ni Tanta. Akala ko nasusunog na ang karindirya namin o kaya gutom na naman si Buchoy, yun pala, dumalaw na naman si Banker! Pinapaalala yung bayad namin sa utang. Waaaahhh! Napressure ako bigla na ibigay ang best ko sa audition. Kelangan bongga talaga ako. Kaso, ano ngang kakantahin ko? Loooord! Patulong na po. Hindi pa rin ako maka-decide... Sana managinip uli ako tonight. Hehe.

Mwahugz (maiba naman hehe),
Jenny

03 March 2010

Reality check muna :)

Earth to Jenny!

Today, na-realize ko na sakit sa ulo ng boys! Masyado naman akong assuming dahil kakakilala ko pa lang naman kina Paco at Jason. Hindi naman ibig sabihin na sinabihan ka ng maganda ng isang lalaki, may balak na siyang ligawan ka. Hindi ko dapat kalimutan na ang number one reason kung bakit ako sasali sa singing contest na ito ay para mabayaran si Banker. Oo nga pala, asan na kaya yung sungit na yun? Buti na lang ‘di pa ulit siya nagpapakita. Kundi deds talaga kami nila Ninang Erika. Saan kaya kami pupulutin kung nagkataon... So kailangan kung ano man ang pipiliin kong audition piece, dapat siguradong mai-impress ang panellists. Para may chance naman akong manalo ng 100,000 pesos. Tsaka buti sana kung sarili ko lang ang iniisip ko. Responsibilidad ko first and foremost ang little bro ko. Naku Butchoy, pasensya na kung nadi-distract paminsan ang ate mo sa mga boylets na ito. Ah, basta. Habang hindi pa ako nakapapag-decide kung Abot Kamay or We Belong ang kakantahin ko, siguro dapat lang na praktisin ko na lang pareho. Tapos tignan ko rin kung alin ang mas bagay sa boses ko noh? At least nasa right frame of mind naman ako ngayon at masyadong lito. Hehe. This is it! Power!

XoXo,
Jenny

01 March 2010

My confusing feelings for Jason


Natatandaan niyo ba nung sinabi ko na parang nakakita ako ng multo? Yun din yung araw na nagkabungguan kami ni Jason Abad, yung concert producer. Siya ang nagkumbinsi sa akin na mag-audition ulit para sa search for the next singing sensation. Nung una nga parang nag-alangan pa ako. Pero pinalakas niya ang loob ko at tinulungan pa niya akong mag-experiment kung anong image ang nababagay para sa akin. Hanggang sa sinabi niyang… “Just be yourself. As I’ve said, you have the most beautiful voice.”

Hindi ko lang sure pero bakit ganon? Parang naguguluhan ako. Sobrang nakakatunaw kasi siya kung makatitig. Tapos hinawakan pa niya yung kamay ko. Eeee, di nga ako sanay ng ganon. Kaso nga lang parang mala-anghel kasi yung boses niya kung makipag-usap sa akin paminsan. Ayan tuloy. Parang torn between two heartthrobs ako! Haba lang ng hair ’di ba? Pero seriously, hindi pala siya ganon kadaling i-handle. Gosh. What should I do? Dapat ko nga bang kantahin ang Abot Kamay this time around? At yung nga lang ba ang isyu dito? Or nagbabago na ba ang isinisigaw ng puso ko? Help!

XOXO,
Jenny


Is this really is it???

Miss! Ikaw yung sa auditions ‘di ba? Ang ganda mo pala…

I can’t believe it! I really really can’t believe it! Naalala ako ni Paco Figueroa from my very first audition sa singing contest. Ever since, alam niyo naman na siya ang natatanging PACO MY LOVE sa puso ko. Pero hindi ko akalain na magkakatotoo ang pangarap kong makilala siya ng personal. At siya pa talaga ang lumapit sa akin! Napatago nga ako dahil nahiya ako nung na-realize kong narinig pala niya akong nagri-rehearse ng kanta. OMG! Mukhang nagustuhan naman ata niya yung rendition ko ng We Belong kasi pinipilit niya akong yun na ang kantahin ko! Waaaaaaaaaaah!!! Bro, ito na ba ang pagkakataong hinihintay ko? O baka naman masyado ko lang binibigyan ng meaning yung pagpapakilala niya sa akin? Baka naman ganon talaga siya lahat ng girls? Haaaayyy… Posible bang magkagusto ang isang sikat na singer tulad niya sa isang simpleng babaeng tulad ko? I really don’t know what to do…

XOXO,
Jenny

26 February 2010

Tao o multo ba ang nakita ko? Waaah!!!

Hello friends!

Napag-isip-isip ko lang ha. Kung magpapakatotoo ako sa sarili ko, masasabi kong totoo ang sinasabi nilang first love never dies! For so many years crush ko na talaga ’yang si Paco. Napakaganda naman kasi ng boses at nakakatunaw kung tumitig...Ishi!!! Naalala ko nanaman yung music video nila ni Marga Labrador, na tuwing makikita ko sa TV, feeling ko kami ang magka-duet! Nyahahaha. Tapos nung nasilip ko siya dun sa theater, grabeee! Hindi ako makapaniwala na muntik ng magkrus ang landas namin. Lalo akong humanga sa kanya kasi mukhang very passionate siya about his work. Aminin ni’yo, aminin ni’yo, dagdag pogi points yun ‘di ba? Yun na! :)

Oh well. Hindi rin ni’yo naman ako masisisi kung maapektuhan ako sa sinabi ni Jason noh. Biruin ni’yo first time ko yun na hangaan ng isang gwapong-gwapo rin naman na guy. Tsaka ‘di lang siya basta-basta huh. Concert producer siya at kilala ang pangalan niya sa music industry. Kung hindi ka ba naman maloka ng bonggang-bongga!

Pero sa kakaisip ko sa dalawang mokong na ‘yan ha. May mas nakakalokang nangyari sa akin! On the way ako sa pagdya-job hunting nang bigla akong may makitang aparisyon sa kalye! And this time, hindi na ito yung katulad nung nagpakita sa akin ang parents ko! Tao ba yun or multo??? Waaaahhhhh! Scary! Help me decide kung guni-guni ko lang ba yun o 'di kaya naman ay isang gwapong nilalang ang makakasalubong ko! 

XoXo,
Jenny

24 February 2010

Three easy steps to win Paco...or Jason?

Ayoko munang mag-emo ngayon. Imbis na maloka ako sa kakaisip kung paano iso-solve ang financial problem namin, magko-concentrate muna ako sa pagpapaganda ng hair ko today. Paano? Alam ko na kung paano gawin ang 3 easy steps ng Sunsilk damaged hair reconstruction system.

Number 1: Gumamit ng Sunsilk Damage Repair shampoo. Perfect ito para sa lahat ng women on the go lalo na para mapanatili kong healthy ang hair ko at usok-free kapag nagko-commute ako or hindi mag-amoy ulam kapag nasa restaurant ako. Hihi… True naman ‘di ba? Dapat laging mabango lalo na at ako ang laging humaharap sa mga customers. Tsaka malay mo mapadaan bigla dito si Paco! Kapag destiny na ang nag-dictate, hindi na mapipigilan yun at magiging kami na talaga. Wahahaha!

Number 2: Mag-Sunsilk conditioner para laging malambot at abot-kamay ang iyong hair. Yung tipong hindi mapipigilan ng guys na hawakan ang iyong long, shiny, black hair. Tulad nung nangyari during my unforgettable encounter with Jason Abad! Aba e, akalain mo bang isang adonis na katulad niya ay hanggaan ako at first sight! And if ever man na echos lang yun, never lose hope na magkakatotoo din yun. Hahabulin din nila ako. (Hep, hep, baka nayayabangan na kayo sa akin ha? Moral booster ko lang ito. Powerful daw kasi ang positive words para magkatotoo ang dreams mo. Nyahaha!)

Number 3: Gumamit ng Sunsilk damaged hair serum or hair polish para hindi kayo magka-split ends! Like nung nagpa-kulay ako ng buhok dati? Medyo madali kasing ma-stress itong buhok ko kaya biglang nagka-split ends. Major hassle pa naman yun lalo na if you want to keep your hair long. The best din ang Sunsilk serum para hindi mag-fly away ang buhok mo. Hay...Sana ma-achieve ko ’to noh? Kaya power lang!

XoXo,
Jenny

22 February 2010

Missing my parents

Miss ko na si nanay at tatay...Napanaginipan ko kasi sila kagabi. Usually nangyayari lang naman yun kapag may dinadamdam ako. Paano naman kasi mukhang hindi na uubra yung pagsali ko sa singing contest. Goodbye 100,000 pesos na ba talaga? Hello super strict Banker? Hala. Ano na lang mangyayari pagbalik nung sungit na yun? Hindi ko na talaga alam. I think kailangan ko ng maghanap ng ibang source of income. Kulang naman kasi ang kinikita nung Ang Sarahhhp Dito restaurant tsaka ng ukay-ukay namin...


This can’t be! Hindi ako pwedeng magpatalo sa fears ko! Kaya nga “dinalaw” ako ng parents ko ’di ba? Katakot siguro para sa iba pero ako blessing ang mapanaginipan ko sila dahil lumalakas ang loob ko. Never ko silang sinisi sa pagkakautang namin dahil supposedly yung pera na yun para sa improvement ng Ang Sarahhhp Dito. Kaya lang biglang nagkasakit si tatay kaya dun napunta yung kinuha naming loan sa banko. Tapos magkasunod pa sila ni nanay na nawala sa piling namin ni Butchoy... Kawawa naman si bunso. Siya talaga ang ikinawo-worry ko sa lahat ng ito.

P.S. BRO, alam kong hindi mo kami pababayaan. Pasasaan ba’t malalagpasan din namin ang test na ito. I pray na mabigyan ako ng second chance sa singing contest. Yun lang talaga ang fastest way para magkaroon ako ng 100,000 pesos at mabayaran ko si Banker. In any case, walang imposible lalo na sa taong hindi basta-basta sumusuko. Power! :)

XoXo,
Jenny

21 February 2010

Jason Abad: My new crush?!?

OMG! Hindi ko kinaya ang nangyari sa akin sa audition para sa Search for the Next Singing Superstar. Ang dami ko pa kasing inasikaso para sa restaurant kaya na-late tuloy ako. Ayun! Napakaakyat ako ng ’di oras sa pader dahil gates closed na pagdating ko sa venue. Haaaaayyy...Palpak talaga dahil napagkamalan pa akong multo nung staff kaya nagsialisan na sila bago ko pa makanta yung audition piece ko. Kasi naman kinabahan ako bigla nung nakita ko si Paco. Even from afar ang lakas ng dating niya. Pero dahil sa kaartehan ko nagkandabuhol-buhol ako dun sa mga puting kumot na nakasabit sa stage. At this time, hindi lang nila ako basta inasar na Sadako nung mga tao. Akala talaga nila isa na akong aparisyon! Tama ba naman yun?

Pero...Naku, ayoko atang ikwento dito. Uhm… Pa’no ko ba ito sasabihin? Narinig akong kumanta nung gwapong concert producer na si Jason Abad. Eh kasi, malay ko bang naiwan pa pala siya sa loob ng theater. Buti na lang nag-Sunsilk shampoo ako kasi hinawi niya yung buhok ko tapos ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin nung sinabi niyang, “You have the most beautiful voice I’ve ever heard. At ang ganda mo.” Ishi!!! Nakakaloka yung malamyos niyang boses! Kaya napatakbo ako. Hindi ko kasi alam kung pa’no magre-react sa ganong sitwasyon. First time atang may nagsabi sa akin na ang ganda ko at galing pa sa isang prominentang tao sa music industry. Nagfi-feeling lang ba ako?


20 February 2010

Cooking and singing for Paco my love!

Poooower! I had a great time helping out in our kitchen yesterday! Tignan ni’yo napapa-English tuloy ako kasi super inspired ata ako! Biruin ni’yo hindi naman ako mahilig magluto before pero kahapon na-perfect ko ang pagluto ng chicken strips! Isang bundok na rice ata ang nakain ni Butchoy at paulit-ulit na sinasabi, “Sobrang sarap ng luto mo Ate Jenny! Crispy at juicy yung chicken. Parang sa mga sikat na fast food lang!” Ay grabe! Makarinig ka ba naman ng ganong praises eh hindi ka ganahan magluto? Granted na chicken strips lang yun, I think winner pa rin ako! Power!

Ito kasi yung plano ko… Kapag na-meet ko na si Paco in person at naging super friends kami, aba pagkakataon ko ng hulihin ang puso niya! Siyempre! Madaming girls ang may gusto sa kanya. ALam ko naman yun. Pero since nabigyan na ako ng chance na makalapit sa kanya, balak ko pa-in love-in siya sa mga luto ko!!! Iri-research ko ang favorite food niya tapos pag-aaralan ko talagang lutuin yun. Sabi kasi nila, the way to a man's heart is through his stomach. Waaah! Crazy na kung crazy, but I am just so crazy over Paco! My Mr. Right, Prince Charming, first love as in lahat na. Kaya sana magkatuluyan talaga kami noh?

Oh, btw, gumagamit na ako ng Sunsilk Damage Repair shampoo. The best siya talaga kasi kahit nagbabad ako sa kusina kahapon, pagkaligo ko naman super fresh at ang bango-bango ng hair ko bukod sa nagiging malambot siya at hindi na masyadong buhol-buhol. Binabalik talaga ng Sunsilk Damaged Hair Reconstruction System ang tunay na ganda ko! Kaya tuloy-tuloy lang sa paggamit and I’m sure pang-diva na ang hair ko.

Back to Paco my love, alam ni’yo ba yung kanta ni Michael Buble na I Just Haven’t Met You Yet? Ay, grabe! Medyo ganon ang drama ko ngayon! Narinig ko lang ito sa Tambayan 101.9 kahapon. Nakaka-in love kasi yung lyrics niya. Parang ganito yung chorus o…

"And I know someday that it'll all turn out. You'll make me work so we can work to work it out. And I promise you kid that I'll give so much more than I get. I just haven't met you yet."


Tapos ito yung mga lines na super bagay sa amin ni Paco!!!

"I might have to wait. I'll never give up. I guess it's half timing and the other half's luck. Wherever you are, whenever it's right, you come out of nowhere and into my life."

And ito lang talaga ang prediction ko sa magiging ending ng love story namin…

"And I know that we can be so amazing. And baby your love is gonna change me. And now I can see every possibility."

Yes, yes, yes, Lord! Si Paco lang talaga ang love ko. Kaya please, ibigay ni’yo siya sa akin ha? Yehey!

XOXO,
 Jenny

18 February 2010

Mala-Sarah G. lang sa videoke night!

Hallur there!

Grabe! Guess what we did last night? Nag-videoke kami nila Ninang Erica, Tanta, at Butchoy dito lang naman sa bahay. Big deal para sa amin kasi paminsan-minsan lang naman kami nakakapag-relax ng ganon. Buti na lang maaga kaming natapos ni Ninang Erica sa pag-iinventory kahapon kaya pagkatapos namin mag-dinner, nagkayayaan kaming mag-sing-along hanggang alas-dose ng gabi. Siyempre ’di ko na pinalagpas ang pagkakataon na kumanta ng Bad Romance ni Lady Gaga. Performance level talaga!

Na-inspire din kasi ako sa mga production numbers ni Sarah G. sa ASAP XV! Ang galing kasi niyang kumanta habang sumasayaw. Sobrang fanatic na nga ata ako kasi hinahanap ko pa sa internet yung dance numbers niya ng Lady Gaga tsaka Pussycat Dolls. Alam ni’yo naman super favorite ko din yung pagdating sa international scene. But anyhow, mas gusto kong ma-achieve level ng pagiging talented ni Sarah. :)

Nakakatuwa nga kasi kahit ang taas ng pangarap ko very supportive pa rin ang family ko sa akin. Laging pinapapaalala sa akin ni Ninang na I’ve got the power! Sabay powerhug na rin! Ang sweet sweet talaga nila kaya lalo akong inspired ngayon. Tsaka sabi nga nila, there’s no use worrying over something even if it’s for a good cause. Kaya smile lang always. Dapat kayo din ha? Power!

XOXO,
Jenny

17 February 2010

A true diva only uses Sunsilk! :)

My hair should be my crowning glory... My hair should be my crowning glory... My hair should be my crowning glory... Kung sa bawat pag-ulit ko ng litanyang ito e paganda ng paganda ang buhok ko, siguradong winner na agad ako dun sa singing contest! Remember, buhok na iwas-disgrasya lang naman talaga ang kulang sa akin para all set na akong maging next singing sensation. Weee! Well, that is, if I get to audition first. But that’s a different story. Right now, super saya ko lang talaga kasi for the first time pinuri ako ng isang customer!

Hindi ni'yo kasi naitatanong, my primary duty sa aming munting restaurant ay ang maging singing waitress. Aside from the fact na magandang gimik ang mag-provide kami ng free entertainment, hindi pa maiinip yung aming customers habang prine-prepare nina Tanta at Ninang Erica  ang mga order nila. So yun nga. Kakatapos ko lang kantahin yung special request ng isa sa aming regular customer nang bigla siyang mapasinghot ng ilang beses... “Ano yung amoy na yun? Ang bango nga ha. Ikaw ba yun Jenny?” Kahit medyo nahihiya ako, deep inside tuwang-tuwa naman ako, “Ah, e, ako nga ho. Bago ho yung shampoo na gamit ko. Sunsilk po ang brand.”Nakakailang kasi hindi naman ako sanay na napupuri ‘di ba? 

Ang winner pa diyan, napansin din niya na kaya pala mukhang blooming ako today dahil nasa tamang hulog ang hair ko for the first time in my life! Sa totoo lang naging manageable na ang dating dry at buhaghag kong hair sa unang gamit ko pa lang ng New Sunsilk Damaged Hair Reconstruction System. Kasi meron na ito ngayong olive serum nutri-complex na malaki ang naitutulong para maging soft, smooth, at silky ang aking crowning glory . Napapalitan kasi nito yung natural oil sa buhok na nababawasan kapag nagpapa-rebond ka, nagpapa-perm or sumusubok ng  iba’t ibang hair products. Kaya sa lahat ng  girls out there, super nire-recommend ko ang Sunsilk para hindi dyahe ‘pag bigla niyong makasalubong ang ultimate crush niyo! Hehehe. 

Kung makapagsalita ako kala mo ganon kalakas loob ko noh? But don’t you worry, feeling ko talaga I finally have the power to change my destiny simula ng mag-switch ako to Sunsilk. Anyways, medyo late na ata so next time ulit ang kwentuhan! Power!

XOXO,

Jenny




16 February 2010

Is Marga's bad hair day my lucky day?

Naku, naku, naku. May bad news! Naaksidente ang sikat na singer na si Marga Labrador. Napanood niyo rin ba yun sa Showbiz News Break? Sumabit ang buhok niya sa isang giant star habang kasalukuyan siyang nagsasayaw sa isang show. Oh no! Idol na idol ko pa naman siya. Baka sabihin niyo napaka-selfish ko at puro si Paco lang ang iniisip ko. Pero sa totoo lang nag-worry ako para sa kanya ha. Sa pagkakaalam ko kasi sobra-sobra ang preparation na ginawa niya para sa darating nilang concert ni Paco. Tapos ngayon napurnada pa...

FYI, matagal ng magka-love team ‘yang si Paco at Marga. Lagi silang magkasama sa mga concert kasi marami ang boto sa kanila. Dapat bang  maging kasing-ganda ko rin si Marga para maging karapat-dapat kay Paco? Hmm... Pero in fairness, parang hindi nagkakalayo ang hair namin ni Marga noong araw na naospital siya. Grabe sa pagkabuhaghag kaya sumabit ng ‘di oras. Kakagamit siguro ng mga gel at kakaplantsa ng buhok kaya naging damaged tulad sa akin.

14 February 2010

Crazy in love with Paco!


If you could see that I'm the one who understands you. Been here all along, so why can't you see? You belong with me. You belong with me…

My gosh Paco! Just like my favorite Taylor Swift song goes, you truly belong with me! Hala nangangarap nanaman ako ng gising. Kasi naman napakaganda ng panaginip ko kaninang umaga.

Magkasama kaming nag-Valentine concert sa Big Dome…
Kakatapos lang ng isa naming upbeat production number nang biglang nag-dim ang lights. All eyes are on us as Paco begins to serenade me…


You’re my piece of mind, in this crazy world. You’re everything I’ve tried to find. Your love is a pearl…

Trouble with the Banker!


Php100,000! Saang lupalop ako makakahanap ng ganong kalaking halaga within 10 days? Halos himatayin ako kanina sa takot at kaba nang biglang dumating si Banker para singilin ang loan na kinuha ni Tatay noong nabubuhay pa siya. Pero napunta lang lahat yun sa pagpapagamot niya kaya hindi natuloy ang plano sana naming palaguin ang aming business. Ano ng gagawin ko ngayon? Yung kita pa nga lang ng Ang Sarahhhp Dito kulang pa sa pang-araw-araw naming gastusin. Php100,000 pa kaya?

Pero true nga ang sabi nila na when a door closes, God opens a window. So power talaga! Bigla kasing naaksidente ang pop diva na si Marga sa kalagitnaan ng concert promo nila ni Paco, my love! Pero take note, hindi naman sa ginusto kong may masamang mangyari sa kanya. Idol na idol ko nga ‘yan si Marga ‘di ba? Ibinalita kasi sa TV na magkakaroon ng isang Search for The Next Singing Superstar na papalit kay Marga bilang partner ni Paco!!! OMG! Isa na itong once in a lifetime opportunity para makita ko siya in the flesh. And more importantly mabayaran ko ang utang namin kay Banker. Php100,000 din kasi ang prize para sa grand champion!!!

Ito lang naman ang criteria na hinahanap nila para maging qualified contestant:


13 February 2010

Meet my brother Butchoy!


Hello to everyone reading my blog!

I’m proud to present to you my one and only kapatid na si Butchoy! Ang tabatsingtsing niya noh? Kahit ano kasing ihain mo sa kanya kakainin niya ng bonggang bongga. Ok nga sana siyang maging taste tester naming sa tuwing makakaimbento ng bagong main dish sina Ninang Erica at Tanta. Kaya lang ang problema lahat masarap sa kanya. Hahaha. Advantage naman sa akin yun lalo na nung nag-uumpisa pa lang ako matuto magluto kasi siya ang umuubos lahat ng gawa ko. Ika nga ni Ninang Erica, wala daw tapon pagdating kay bunso. Hahaha!

10 February 2010

Scary hair disaster


Hala! Tinatawag na ako ni Ninang Erica. May mga customers na pero hindi nila maasikaso kasi busy pa sila sa pagluluto ni Tanta sa kusina. Medyo late na kasi silang nagising kanina. Pero ayoko atang magpakita ngayon sa restaurant. Nakakahiya! Kahapon kasi may young couple na kumain sa amin kasama ng five years old nilang anak. Ang cute cute nung bata. Mukhang anak-mayaman, mestisahin, tapos curly yung mahaba niyang hair. So nilapitan ko para kulitin. Alam ni’yo naman na mahilig ako sa bata ‘di ba?

But it turned out to be a disaster! Biglang umiyak yung bata at kahit anong gawin nung mommy niya hindi siya mapatahan. Yun pala natakot sa akin! Sabi ba naman, “Mommy si Sadako! I’m scared!” Sabay turo sa akin! Nagtawanan tuloy yung ibang customers na napatigil sa pagkain dahil sa eksenang ginawa nung little girl. Nakakahiya talaga! Ayaw kasing tumigil sa pag-iyak nung bata. So para wala na lang gulo, nagtago na lang ako sa kusina hanggang sa umalis sila.


09 February 2010

Hello Philippines, Hello World!

This is it! May blog na ako! Tagal ko na rin gustong magkaroon nito para naman kahit papa’no mailabas ko sa buong mundo lahat ng nararamdaman ko. Siyempre kahit nand’yan palagi para sa akin si Ninang Erica, hindi naman pwedeng makipag-chikahan ako all the time sa kanya ‘di ba?

Minsan nahihiya nga ako kasi buong panahon niya nakatutok na sa pag-aalaga sa amin ng kapatid kong si Butchoy. Tapos tinutulungan din niya ako mag-asikaso ng Ang Sarahhhp Dito restaurant. Hay... Sa totoo lang medyo namromroblema nga kami ngayon e... Oops! Bawal ang nega vibes today. Power kung power! :)